top of page

I'M DRUNK, I LOVE YOU

I’m Drunk, I Love You (2017)

Directed by: JP Habac


No amount of beer can make you feel numb of the pain this film can give.


Kahit ilang beer pa ang laklakin mo, mas malakas pa rin ang tama ng katotohanan. Paulit-ulit kang sasaktan, hanggang sa umiyak ka sa sakit na dulot nito.


The truth hurts.


Ilang beses iniyakan ni Maja Salvador ang realidad. Sa bawat pag-iyak, iba’t ibang emosyon ang naipadama nya. Maiinis ka sa katangahan nya. Maaawa ka sa kalungkutan nya. Madadala ka sa pagmamahal na meron sya. Her last scene sums up all the foolishness, sorrow and joy she’s been through, as she takes a shot with the reality.


Si Paulo Avelino ang realidad na ayaw mong harapin, dahil baka masaktan ka lang. His minimal gestures are enough to make you fall for him or fall out of love. His passiveness creates a motion and tension towards the characters around him.


Dominic Roco never runs out of witty lines for the purpose of reality check. He lights up every conversation. Bawat linya nya ay may angking ganda at saya. Bawat tanong nya ay may kakayahang magpa-gising ng tao.


Hanggang kailan mo ba kayang mahalin ang isang taong hindi mo alam kung mahal ka rin?


Seven Years.

Two Days.

Or Five Minutes.


Ikaw ang magbibigay ng deadline para sa sarili mo. Sasamahan ka lang nila na uminom at magpakalasing sa katotohanan. Hanggang sa ikaw na mismo ang magsabi na tama na.


Hanggang Dito Na Lang.


The soundtrack renders the necessary emotions in every scene. The mellow vibe essentially captures the sobriety in every drinking session. The last song they played contains the right lyrics and arrangement, serving as a perfect accompaniment to a worthwhile ending.


Even during the credits part, they still manage to relive the bittersweet memories anew. Along with their several continuous shots, the characters never lose their connection and emotion.


The story stays with you even after seven years have passed.


Walang graduation date ang pelikulang ito.

Tuloy tuloy lang ang tagay para sa pagmamahal.


I'M DRUNK, I LOVE YOU

⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️


Cast: Maja Salvador, Paulo Avelino, Dominic Roco, Jasmine Curtis-Smith, Jim Paredes, Irma Adlawan

Presented by: TBA Studios, Buchi Boy Entertainment, Artikulo Uno Productions

Featuring the Music of: Juan Miguel Severo, Kai Honasan, Jimmy Bondoc, Shirebound and Busking, Giancarlo Abrahan, David Yuhico, The Out Of Body Special, Ang Bandang Shirley, Cynthia Alexander, Parokya Ni Edgar, Johnoy Danao, Bullet Dumas and Ebe Dancel

Date Released: February 15, 2017 in Philippine cinemas nationwide; April 24, 2020 via YouTube

A Movie Review by: Goldwin Reviews


0 comments
bottom of page