top of page

1521

1521 (2024)

Directed by: Michael Copon


When you see Bea Alonzo and Danny Trejo among the casts, the expectation is a quality movie. However, the reality gives us the worst movie of the year.


All the veteran actors look like they can’t act in this movie. Parang nasa Bubble Gang si Bea Alonzo. Nagmukhang mascot ang costume ni Danny Trejo. Mukhang joke lang ang lahat para kay Maricel Laxa. Ang OA ng karamihan. Si Michael Copon lang ata ang matinong umarte rito. Pero upon checking the poster, siya rin pala ang director ng pelikula.


The color grading is giving nothing. Biglang iitim at puputi si Bea Alonzo at ang lahat ng mga artista. Liliwanag didilim ang kalangitan sa iisang eksena.


Ang tamad ng editing. Bigla na silang lumalaki sa harapan mo. Tunog lata ang mga boses na maririnig mo. Umaalog ang kamera.


Hobby nila ang mag auto focus, pero wala namang focus ang kanilang istorya. Pinagdugtong lang ang mga eksena kahit walang kwentong nabubuo. Ang panget ng pagkakatahi ng mga eksena.


Pang-teleserye ang mga linyahan, pero make it English. May invisible na sampal. Merong magkapatid na hindi magkamukha. Ang arte ng Voice Over. Pang All-Out Sundays ang dance performance. Dahil kulelat ang pagkwento, naglagay na lang ng 10 slides ng PowerPoint sa end credits para basahin ng mga tao.


Walang Quest for Love na nangyari, dahil hindi mo maramdaman ang pagmamahalan ng mga karakter. Wala ring Quest for Freedom, dahil hindi rin ramdam na nakikipaglabanan sila para sa kalayaan.


Nagpapatayan sila tapos walang dugo. Naghahampasan lang ng mga espada, tapos ang hinhin ng mga saksakan. Nagkakagulo na, pero naka posing pa yung iba na parang may photo booth sa tabi. Pambata ang datingan ng digmaan.


We are not expecting an Avengers level,

but please don’t give us Kidzooona level.


Laro kung laro.


The movie keeps planting their own bombs that lead to their own destruction, failing infinitely in all categories.


1521 is a history film that will be remembered for all the wrong reasons.


1521

Rating: -♾️/5


Who's your favorite?

  • Bea Alonzo

  • Danny Trejo

  • Hector David Jr.

  • Michael Copon



Cast: Bea Alonzo, Danny Trejo, Michael Copon, Hector David Jr., Maricel Laxa, Sol Eugenio, Costas Mandylor, Eren Kereci, Vic Romano, Floyd Tena, Larissa Buendia

Presented by: Inspire Studios, Francis B. Lara Ho Production

Distributed by: Viva Films

Release Date: June 5, 2024 in Philippine cinemas nationwide 

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación
bottom of page