top of page

2 VALID IDs

  • 1 day ago
  • 2 min read

2 Valid IDs (Cinemalaya 2026)

Directed by: Ma-an Asuncion-Dagñalan

 

Nakakainip. Ang tagal. Pabalik-balik.

Marahil ganyan ang komento habang pinapanood ang pelikulang ito.


Totoo naman talaga. Nakakapagod makita ang isang 59-year-old na maglakad ng mga IDs. Ngunit ang mas masaklap pa diyan ay para bang sanay ka na sa mga aberyang nangyayari. Dahil paulit-ulit na lang, nakakamanhid na sa pakiramdam.

 

 

Nung una, maninibago ka pa pagpasok sa hospital. Andaming pasyente na may kanya-kanyang problema. Ngunit dahil parati mo na silang nakikita, ang mga hindi pamilyar na mukha ay naging pamilya na. Nagtutulungan at nagdadamayan.


Nung una, nakaka-bother pang marinig ang iba’t ibang tunog mula sa hospital. Ang pag-ubo ng mga pasyente. Ang sitsit ng oxygen tank. Ngunit habang tumatagal, masasanay ka na lang din sa ingay. Naging parte na siya ng iyong sistema.


Ang hospital ay naging tahanan na.

Ang sakit ng lipunan ay naging normal na.

Nakakatakot na immune na tayo sa mga ganito.

 

 

Minsan, ramdam ang effort ng pelikula na magdrama at gumawa ng commotion. Hindi natural ang banat ng mga extra sa paligid. Halatang nanggagatong para lang lumala ang sitwasyon. Ang sakuna ay inilagay sa ganitong mismong araw para mas nakakagalit.


Dahil nakatutok ang pelikula sa proseso ng pagkuha ng ID, nawalan ng oras upang himayin ang identity ng mismong karakter. Gayunpaman, hindi naman sila mahirap intindihin dahil pangkaraniwan na ang kanilang nararanasan.


Ang mahirap lang intindihan ay ang bulok na proseso sa pagkuha ng ID. Habang nilalakad ito, mapapansin na hindi lamang ID ang problema. Damay-damay na mula sa magkakaibang sangay ng gobyerno.

 

Ang Identity ng Pilipinas ang siyang pinaka-mahirap sagipin. Nakahandusay na sa ER ang healthcare system. Lalong nagpapahirap sa mga mahihirap. Expertise talaga natin ang maghingalo.


Nagpatong-patong na ang mga problema ng bansa. Mabigat sa pasanin. Nagamit ito ng pelikula upang makapagtapos nang malakas. Mula sa pagtitimpi ng galit at pag-iipon ng pasensya, may karapatan kang sumabog.


Naisasalamin ni Marietta Subong ang hinanaing ng Pilipinong nasagad na ang pasensya. Kahit wala siyang sabihin, bakas sa kanyang mukha ang hirap ng kanyang pinagdaanan.


Hindi patas ang mundo. Hindi dapat naka-kahon sa dalawang hugis ang pagkatao. Hindi lamang ito basta mayaman o mahirap, mabuti o masama, tama o mali. Kailangan baliin ang nakasanayaan.


It’s true what they say…

Villains aren’t born. They are made.


Being a villain to a corrupt system is very much valid.


𝟐 𝐕𝐀𝐋𝐈𝐃 𝐈𝐃𝐒

Cast: Marietta Subong (Pokwang), Meryll Soriano, Joey Marquez, Joem Bascon, Nour Hooshmand, Zaijian Jaranilla

Written by: Abet Pagdagdagan Raz

Release Date: August 6-18, 2026 for Cinemalaya

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page