top of page

DULO

Dulo (2021)

Directed by: Fifth Solomon


May hangganan ba

ang pagiging masaya ?


Sa simula pa lang, dadalhin ka na nina Barbie at Diego sa mundo nilang tila walang problema. Sasabayan mo silang ngumiti at tumawa… ngunit panandalian lamang ito.


Kapag masaya ka, parang ang bilis ng oras.

Pero pag malungkot ka, parang bumabagal rin ito.


Ganito ang pinaramdam ng pelikulang ito.


Patatawanin ka nang isang segundo.

Pagkatapos ay isang oras kang sasaktan.


Nagsimula sila sa konting tawanan. Hanggang sa unti-unti itong napapalitan ng lungkot. Ang sakit sakit na sa pakiramdam. Pero hindi ka makaalis. Nakakulong ka na sa mundo nila.


Nakakasakal na.


Nakakaawa ang kanilang pagmamahalan.

Ngunit hindi mo sila magawang husgahan.


Nakakadala si Barbie Imperial. Nung nagalit siya, kasabay mo siyang sumigaw. Nung nalungkot siya, kasabay mo siyang lumuha.


Mag-iiba ang paningin mo kay Diego Loyzaga. Nakakatakot at nakaka-alarma siya rito. Hindi mo gugustuhing magpa-sakop sa kanya.


Magaling silang dalawa. Tagos sa puso ang mga bangayan nila. One continuous shot yung isa nilang bangayan pero yun ang pinaka-tumatak na eksena. Malakas ang suntok ng mga linya.


Umikot sa kanilang dalawa ang buong pelikula.

At napanindigan nila ito.


Maganda ang kanilang naging biyahe. Malakas ang simula at ang gitna. Ngunit pagdating sa huli, masyadong nilang minadali o pinagpilitan ang mga pangyayari kahit hindi naman kailangan. Gayunpaman, nakarating pa rin sila sa dapat nilang puntahan.


Nakarating sila sa dulo.

O maaaring hindi pa...


May hangganan ba

kasi ang pagmamahal ?


𝘛𝘩𝘪𝘴 𝘫𝘰𝘶𝘳𝘯𝘦𝘺 𝘩𝘢𝘴 𝘣𝘦𝘦𝘯 𝘵𝘰𝘭𝘥 𝘮𝘢𝘯𝘺 𝘵𝘪𝘮𝘦𝘴 𝘣𝘦𝘧𝘰𝘳𝘦. 𝘉𝘶𝘵 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘴𝘰𝘮𝘦𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘴 𝘴𝘩𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘴𝘪𝘮𝘱𝘭𝘪𝘤𝘪𝘵𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘴𝘪𝘯𝘤𝘦𝘳𝘪𝘵𝘺, 𝘪𝘵 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘢𝘭𝘸𝘢𝘺𝘴 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘢 𝘱𝘭𝘢𝘤𝘦 𝘪𝘯 𝘰𝘶𝘳 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵𝘴.


DULO

⭐️⭐️⭐️⭐️


Cast: Barbie Imperial, Diego Loyzaga

Presented by: Viva Films

Date Released: December 10, 2021 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page