top of page

LAWA

Lawa (Vivamax 2023) Directed by: Phil Giordano


May mga mag-jowa na nagtatalik sa tabi ng lawa. Tapos sinisilipan ni Sean de Guzman.


Mapapasilip ka sa pelikulang ito dahil ang ganda ng cinematography. Nakakaakit ang mga kulay. Nakakabighani ang mukha ng kalikasan.


Ngunit umabot ng isang oras ang pelikula nang walang nangyayari. Wala silang ginagawa. Wala na silang ibang pinapakita kundi kalikasan at katawan.


Pinaghalong travel video at sex video ang datingan. Travel Video dahil sa ganda ng mga kuha. Sex Video dahil sa walang istorya.


Tapos biglang sa dulo, maglalagay na lang ng plottwist para masabing may ganap. Pero wala pa ring epekto dahil hindi nasimulan nang tama. Kaya sa huli, wala pa rin talaga.


Wala talaga. Walang wala kang mapapala sa 𝘓𝘢𝘸𝘢.


LAWA

Rating: 0/5 Cast: Sean de Guzman, Jela Cuenca, Cara Gonzales Presented by: Viva Films Date Released: March 3, 2023 via Vivamax A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page