top of page

RITA

Rita (Vivamax 2024)

Directed by: Jerry Lopez Sineneng


Dalawang klase ng pakikipagtalik.

Isang gentle at isang circus.

Ano ang mas trip ni Rita?


The sex scenes of Christine Bermas and Josh Ivan Morales look like an acrobatic extravaganza that’s purely made for audience entertainment.


Mas makatotohanan yung kina Christine at Victor. Ramdam ang pagiging mag-asawa nila sa tuwing sila’y nagtatalik. May romansa at may pag-iingat. Maganda rin ang scoring at ang cinematography. May angking lagkit at libog ang mga nakikita at naririnig mo.


Gold Aceron is too good for this film. He deserves a solo movie showcasing more of his skills. Victor Relosa, even without lines, can say what his character is feeling. Sometimes, Christine Bermas sounds like a person who’s reciting a poem. But on moments when it matters the most, she can deliver. Josh Ivan Morales’ voice is not convincing. His presence is not strong enough to cause fear.


Pang-teleserye ang lawak ng kwento. Ang daming ipinaglalaban sa simula, pero walang napanindigan sa dulo.


Ang kasarian at pagkakakilanlan ay ginamit para maging kontrobersyal ang mga eksena, pero hindi pinahalagahan ang paksang ito. Naging magaan ang pagtataksil. Ang rape at harassment ay naging parte na lang ng mga pasabog.


Inilagay lang ang kontrabida para apihin ang bida. Walang saysay ang ilang kasamaan. Sayang ang usapan sa pagitan ng OFW at ng kanyang amo dahil hindi naibahagi ang pagkakaiba ng kanilang kultura. Ang trauma at paghihirap ng bawat karakter ay biglang naglalaho.


Sa sobrang daming iniligay na isyu at problema, hindi na nila alam kung paano tatapusin. Ang tanging tanong mo na lang sa huli…


Ano ba talaga ang mas trip ni Rita?

Yung circus o yung gentle?


RITA

⭐️


Anong mas trip mo?

  • Gentle

  • Circus


Cast: Christine Bernas, Victor Relosa, Josh Ivan Morales, Gold Aceron

Screenplay by: Ricky Lee

Presented by: Vivamax

Release Date: March 22, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  2

Emotions:  1.5

Screenplay:  0

Technical:  2.8

Message:  0


AVERAGE SCORE

Rita:  1.26

0 comments

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação
bottom of page