top of page

A CUP OF FLAVOR

A Cup of Flavor (Viva One 2024)

Directed by: Ma-an Asuncion-Dagñalan


Sweet si Isidora at Bitter si Mar.

Magustuhan kaya nila ang flavor ng isa’t isa?


Epektibo ang kasungitan na ipinakita ni JC Santos dahil nakakainis siya rito. Nakakaasar naman ang karakter ni Barbie Imperial dahil hinahayaan lang niya itong mangyari.


Walang dating ang love story nila. Matamlay ang mga eksena. Instant ang pagblend sa kanila. Walang timplahan na naganap. Biglang bumait yung isa. Biglang nahulog yung isa. Hindi nila lubusang nakilala ang isa’t isa. Cute sana ang soundtrack na “I Love You” (sung by Duane David and composed by Aria Bench), pero hindi swak sa pelikula.


Naipakita ang ganda ng Atok, Benguet. May kinalaman sa kape ang kanilang kabuhayan, pero hindi ito gaanong napag-usapan. Dinaan lang sa narration at text presentation ang pagkakaugnay ng kape sa pagmamahalan.


Nakakatuwang masaksihan ang friendship nina Sean de Guzman, Barbie Imperial, at Rowan Diaz. Makulit ang kanilang harutan. Mukhang natural ang kanilang pikunan.


Masayang kabatuhan ng linya si Rowan Diaz. Mapapasagot ka sa mga hirit niya. Madalas makitang nakahubad si Sean de Guzman sa Vivamax, pero kabaligtaran ang kaso dito sa Viva One. Balot na balot siya, ngunit naipakita pa rin niya ang kanyang galing sa pag-arte.


Simple lang ang mga linya, pero makatotohanan. May mga praktikal na pangaral tungkol sa friendship to internship to relationship.


Hindi man sinlakas ng kape ang tama, may angking ganda pa rin ang iniwan nilang mensahe. Kahit anong flavor man ang hanap mo, may maiuuwi ka rito.


A CUP OF FLAVOR

⭐️⭐️


Cast: Barbie Imperial, JC Santos, Sean de Guzman, JC Parker, Lloyd Samartino, Calvin Reyes, Rowan Diaz

Written by: Quinn Carillo, Ma-an Asuncion-Dagñalan

Presented by: 3:16 Media Network, Goodwin 808 Productions

Date Released: February 14, 2024 on Viva One

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling: 1

Emotions:  2.5

Screenplay:  2

Technical:  1.5

Message:  2.5


AVERAGE SCORE

A Cup of Flavor:  1.9

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page