A SPECIAL MEMORY
- 9 hours ago
- 2 min read
Updated: 4 minutes ago
A Special Memory (2026)
Directed by: Jerry Lopez Sineneng

Ang istorya ay pangkaraniwan. Pero may mga pagkakataon sa pelikula na tatamaan ka na lang bigla dahil sa bigat ng mga emosyon. Sa mga sandaling iyon, ramdam ang pagiging special nito.
Maraming cheesy at corny moments, ngunit imbes na maasar, matutuwa ka pa sa kanila. Ang kanilang organic encounter, na sinamahan ng kape, ay magandang kombinasyon upang ika’y magising at kiligin.
Ang sarap makipaglandian kasabay ng init ng kape at lamig ng ulan. Malaking tulong ang awitin ni Amiel Sol na “𝘛𝘢𝘩𝘪𝘮𝘪𝘬 𝘕𝘢 𝘉𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘒𝘢𝘱𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘒𝘢” upang madala ka sa namumuong pagmamahalan.
Sa unang kinig, tila parang gasgas na ang kantang “𝘚𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘔𝘦𝘮𝘰𝘳𝘺”. Ngunit naging angkop ito sa eksena kung saan siya nilapat. Merong dalawang version ang OST na siyang inawit ni Martin Nievera at ni dana paulene.
Matalinhaga kung paano ginamit ang kanta sa dalawang magkaibang bahagi ng pelikula. Nagkaroon ng panibagong interpretasyon ang mga kaganapan—hindi lamang dahil sa boses ng singer—kundi dahil na rin sa karanasan ng mga karakter.
Abrupt ang editing. Tumatalon ang mga eksena. Taas-baba ang ibinabato ng pelikula. May tawanan tapos biglang iiyak at kakalma. Nilalagpasan ang mga problema. Hindi malinis pakinggan ang sound design. Papunta na sa horror ang karamihan ng musical scoring.
Andaming parts na pwedeng tanggalin. Lumalaylay ang pelikula kapag lumalayo sa dalawang bida ang istorya. Naglagay ng supporting characters pero naging palamuti lang sila. Kung kailan sila kailangan, nawawala sila. Kapag nandyan sila, hindi rin sila masyadong nakakatulong sa sitwasyon.
Nakakatawa na nakaka-distract ang lantarang advertisements. Sa tuwing lumalabas ang iba’t ibang logos at brands, nagiging paalala siya na isa lamang palabas ang lahat ng ito. Nawawala minsan ang bigat ng ilang eksena dahil dito.
Dehado sa logic ang ilan sa kanilang ginagawa. Wala masyadong insight ang doktor tungkol sa mga nangyayari. Nakatutok lang ito sa pagiging love story.
Effortless ang chemistry nila Bela Padilla at Carlo Aquino. Mula sa kanilang biruan hanggang seryosohan, hindi pilit ang pakikitungo nila sa isa’t isa.
Bela Padilla can shift moods seamlessly, moving from a rom-com vibe to intense drama in a beat. She can look at the simplest object and make it feel layered with story and meaning. Her character may forget things, but her compelling performance will be remembered.
There’s a line in the movie saying “Hindi siya aktor” — which interestingly resonates the kind of artist Carlo Aquino is. He doesn’t appear to be performing, as he naturally exists in the moment. No matter how intense or understated a scene is, he delivers emotions that feels real. In his voiceovers, he sounds fully present and alive.
Malaking bagay ang samahan nilang dalawa upang lumabas ang pagiging special ng mga eksena. Nakakadala ang mga slow motion at hard-hitting emotions. Sinamahan pa ng nakaka-antig na tunog.
Totoo na marami kang mapapansing kapintasan sa pelikula, ngunit pansamantalang makakalimutan ito ng iyong isipan — kapag emosyon na ang pinapairal.
It’s true what they say…
The mind forgets, but the heart remembers.
𝐀 𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐘
Cast: Bela Padilla, Carlo Aquino, Joel Torre, Lotlot de Leon, Yayo Aguila, Jaime Fabregas
Screenplay by: Ricky Lee (adapted from the Japanese series Pure Soul)
Presented by: Viva Films, Globalgate Entertainment
Release Date: March 11, 2026 (Philippine cinemas nationwide)
A Movie Review by: Goldwin Reviews

I can resonate with the comment about advertisements. Not just in this movie, but in many films produced by big studios like Star Cinema and Viva over the past 20 years. You rarely see this in classic Filipino movies, or even in blockbuster films overseas. I hope filmmakers can find a better way to acknowledge sponsors without disrupting the flow and seamlessness of the movie.