top of page

A VERY GOOD GIRL

A Very Good Girl (2023) Directed by: Petersen Vargas


A very good girl meets a very bad woman. Sino ang mananaig?


Maraming mukhang ipinakita si Kathyrn Bernardo rito. Nung nagtanggal na siya ng maskara, dun lumabas ang kanyang angking galing. Sa pagkakataong iyun, nagkaroon ng boses ang kanyang mga mata.


Bagay kay Chie Filomeno ang role. Hindi lang sa comedy magaling si Donna Cariaga, pati na rin sa drama. Sa maikling segundong ipinakita sina Angel Aquino at Ana Abad Santos, nakakabilib pa rin sila.


Maayos ang pag-arte ng karamihan sa mga artista, pero hindi maayos ang pagkakasulat para sa kanila.


Hindi ramdam ang karakter ni Dolly de Leon dahil hindi siya nabigyan ng pagkakataon na magpakilala. Karamihan sa mga kinikilos niya ay para lang banggain ang bida. Madalas banggitin ang kanyang kompanya sa mga linya, pero pati ang mundong iyon ay nawawala.


May iba ring mga karakter na ipinasok para lang maging masama. Meron sanang nirerepresenta ang bawat isa, ngunit hindi sila nagkaroon ng sariling boses. May ilang kaganapan na inilagay para lang magkaroon ng ingay (isa na duon ay yung kay Kaori Oinuma). Andami ring plotholes na naging balakid para hindi ka tuluyang mahulog sa pelikula.


Maganda ang mga kuha at ang pagkaka-kulay. Nakakadala ang scoring. Sa istoryang meron sila, nailatag nila paunti-unti ang mga sikreto. Kahit sa simula pa lang ay may naibunyag na, magtatanong ka pa rin kung ano ba ang nangyari at kung ano pa ang pwedeng mangyari.


Suspense is there, as well as the drama and comedy. But more than the genre, the best thing about this movie is its hunger for change. Star Cinema and Kathryn Bernardo offered something different this time, veering away from the usual romcom formula.


They try to be better, hoping to make a change not only in the Philippine movie industry but also in the society. In that aspect, they are very good.


Ang hangarin nilang maging mas mabuti ang siyang nanaig sa huli.


A VERY GOOD GIRL

⭐️⭐️⭐️ Cast: Kathryn Bernardo, Dolly De Leon, Jake Ejercito, Kaori Oinuma, Chie Filomeno, Gillian Vicencio, Donna Cariaga, Ana Abad Santos, Angel Aquino Presented by: Star Cinema Date Released: September 27, 2023 in Philippine cinemas nationwide A Movie Review by: Goldwin Reviews

1 comment

1 Comment

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Guest
6 days ago
Rated 5 out of 5 stars.

Thank you

Like
bottom of page