top of page

ADONIS X

Adonis X (AQ Prime 2022)

Directed by: Bong Ramos


Isang lalaki ang may tinatagong “Adonis”

sa kanyang kwarto.


Kailan ito makakalabas?


Ang mas mahalagang tanong…

Paano ba nakalabas ang pelikulang ito?


Ampanget ng mga kuha.

Ampanget ng mga linya.

Hindi pinapansin ang mga problema.

Hindi magaling ang mga artista.

Walang pinupuntahan ang istorya.

Walang buhay ang mga eksena.


Tamad magkwento.


Pinakita lang na nasa harap ng computer si Ate… call center na daw trabaho niya. Pinakita lang na nasa meeting si Kuya… graphic artist na daw siya. Tapos wala ng nangyari sa mga trabaho nila.


Walang nangyayari sa mga karakter. Madalas naka-higa lang sila sa kama tapos maghuhubad. Magugulat ka na lang na may naghahalikan na pala.


Parang ginawa lang ang pelikula para maghubad at maghalikan sila. Nilagyan na lang ng maraming dialogues at flashbacks para umabot ng isang oras.


Matatawa ka na lang sa trip ng pelikulang ito.


Unang eksena pa lang, ekis na.

Nung nagtapos, doble ekis na.


Dobleng ekis para kay Adonis X.


ADONIS X

Rating: -1/5


Cast: Kristof Garcia, Kurt Kendrick, Jaycee Domincel, Mark McAhon, Grace Vargas

Presented by: AQ Prime

Date Released: August 8, 2022 via AQ Prime App

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page