top of page

AFTER ALL

After All (2024)

Directed by: Adolf Alix Jr.


Czarina’s dead partner is reincarnated as Joseph.


Dun sa lumang panahon, walang sinabing dahilan bakit nagmamahalan yung dalawa. Sa kasalukuyan, hindi mo rin alam bakit gusto nila ang isa’t isa maliban sa reincarnation.


Walang katangiang ipinakita para mahalin mo sila. Masyado silang umasa sa nakaraan na hindi rin matibay ang naging pundasyon. Hindi nila lubusang kilala ang isa’t isa. Ang babaw ng samahan nila.


Naglagay silang mga narration para ilarawan ang kanilang pagmamahalan, pero wala itong buhay at hindi ito sapat.


Borderline creepy ang karakter ni Kelvin Miranda. Parating nakatingin sa kawalan si Beauty Gonzalez. Hindi sila nakaka-inlove. Hindi nakaka-kilig ang ginagawa nila.


Andaming patay na oras. Nakaka-antok ang mga usapan. Paulit-ulit at hindi lumalago. Sayang ang konseptong reincarnation dahil hindi ito masyadong nagamit. Ginawang rason lang ito para mag-landian ang dalawang bida.


Maraming issues sa karakter ni Teejay Marquez, pero binalewala lang yun. Walang kinahinatnan ang kanyang mga nagawa kahit mabigat ito. Hindi rin pani-paniwala na anak siya ni Beauty Gonzalez sa palabas na’to.


Maganda yung lugar na pinuntahan nila, pero hindi ito nabanggit sa mga eksena. Hindi nabigyan ng sapat na pagkakakilanlan ang Bolinao, Pangasinan. Maganda ang ginamit nilang kanta na “Saandaang Yugto” (sung by Juan Carlos Galano and music by Derick Gernale), pero hindi maganda ang kwentong ginamit para sa kanta.


After All ng mga nabanggit,

sa tingin mo ba na ang pelikulang ito ay sulit?


It’s your money and your time, after all.


AFTER ALL

Rating: 0/5


Cast: Beauty Gonzalez, Kelvin Miranda, Teejay Marquez, Devon Seron, Juan Carlos Galano, Tart Carlos, Dindi Parajes, Riana Pangindian, Katrina Llegado, Kipo Ipapo, Lienel Navidad, Bella Thompson, Elizabeth Oropesa, Bembol Roco

Story by: Joey Abacan, Gina Marissa Tagasa

Screenplay by: Gina Marissa Tagasa

Presented by: ALV Entertainment

Date Released: February 28, 2024 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling: 0

Emotions:  0.5

Screenplay:  0

Technical:  1.5

Message:  0


AVERAGE SCORE

After All:  0.4

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page