ALMOST US
- May 6
- 5 min read
Almost Us (2026)
Directed by: Dan Villegas

Nandiyan lang siya, parati mong katabi, ngunit hindi mo tuluyang mahagkan. Ganitong emosyon ang sumusundot habang pinapanood ang pelikula.
Sobrang close ng dalawang karakter. Hawakan kung saan saan. Mapa-taas o baba man ng katawan. Hindi nagkakahiyaan. Andaming patikim na sandali. Titigan nang malapitan. Nguso sa nguso. Halikan na hindi inaasahan.
May kilig at tawanan, ngunit mas lamang ang drama. Base sa kanilang ginagawa, malalaman mo kung anong klaseng relasyon ang meron at wala sa kanila. Nakakatuwang pagmasdan ang meron. Mapanakit ding malaman ang wala. Litaw ang Situationship.
Ang dreamy ng eksena sa simula. Malakas ang dating ng pagiging fan fiction. Ang edgy ng vibe. Magandang panimula ng pelikula.
Angkop ang role para kay Dustin Yu. Mukhang siyang kathang-isip lamang—na siyang bagay para sa isang fan fiction. Kailangan pa siyang gabayan sa mga emosyon at pigain sa pag-deliver ng mga lines, ngunit hindi pwedeng itanggi na swabe tingnan ang kanyang movements dun sa first scene. Kung bibigyan siya ng ganung klaseng edit at choreography, pwede siyang bumida sa action romance film.
Malakas ang presensya ni JM Salvado. Laughtrip yung ginawa niya sa tree planting. Hindi na niya kailangan magtanim mula sa lupa, dahil mataas na kaagad ang kanyang energy. In character si Baus Rufo bilang Baus Rufo. Pwede talaga siyang mag-host ng mga dog show events kung saan no show ang mga artists. Joel Saracho in a few seconds as himself is quite refreshing as well. Special mention kay Pascal Seswa—kung sino man siya.
Conyo ngunit derechahan at epektibong magsalita si Sam Samarita. Nakakapagbigay siya ng mga advices that are not so layo sa katotohanan. Hindi kataka-taka kung si Yuki Takahasi ay magiging karibal. Maayos at kalmado siyang kausap, ngunit pa-simple rin kung manuklaw.
Swak ang face value ni Fyang Smith para sa fan fiction dahil malinis at makinis ang kanyang mukha. Maliban dun, may kakayahan din siyang magpalit-palit ng reaksyon. Maraming nagagawa ang kanyang mukha na sakto sa mga nangyayari.
Pagdating sa pagbitaw ng linya, halos parehas ang kanyang nagiging atake. Nawawalan ng variation at dynamics. Baka kailangan pang i-tone down nang kaunti para mas maging grounded pakinggan.
You can see that she puts a lot of effort into every scene, which can work well in certain moments. But a more effortless approach would make her performance feel more natural. Overall, it’s not bad at all for their solo debut movie.
Malaki ang kanyang potensyal sa comedy. Kapag pinaglalaruan niya ang kanyang boses, nakakatuwa itong pakinggan. Hindi rin siya nagpapahuli sa mga tarayan at selosan.
Kapag kausap niya ang kanyang sarili, mas lumilitaw ang kanyang emosyon. Nung umiyak siya sa dulo at nung pasuko na siya, kasabay mo rin siyang nalulungkot. Nung nakatingin siya sa kawalan at nagtatanong na siya sa itaas, lumabas ang kanyang nararamdaman.
Isang ganap na aktor si JM Ibarra. Kahit mata lang niya ang nakikita mo, ramdam kaagad ang hapdi ng isang tao na patuloy na umaasa. Kusang lumalabas sa mukha niya ang mga emosyon. Hindi mukhang inaral.
Kaya niyang ipakita ang insecurities ng isang lalake—nang hindi niya lubusang nilulubog ang kanyang sarili. May kumpiyansa pa rin. Umaasa pa rin.
May hugot siyang baon sa kanyang aksyon. Sinsero siyang magbitaw ng mga linya. Alam mong galing sa puso. Yun talaga ang gusto niyang sabihin. Kung kaya’t tumatagos ito nang kusa at nang buo.
Definitely not just an 𝘢𝘭𝘮𝘰𝘴𝘵, JM Ibarra is already a certified excellent and reliable actor. Mahusay ngani.
Umiikot ang mundo sa dalawang magkaibigan lamang. Minsan, masaya itong tingnan. Ngunit minsan ay nakakasawa rin. Nagiging repetitive ang mga nangyayari. Hindi gaanong lumalawak.
Limitado ang eksena kasama ang mga kaibigan at pamilya, ngunit mahalaga sana ito upang mas makilala pa ang mga karakter.
Kapag ang mga pangunahing karakter lang kasi ang magkasama, maraming bagay na hindi nila nasasabi sa isa’t isa. Ngunit kapag ibang tao na ang kanilang kaharap, dun lumalabas ang kanilang tunay na nararamdaman. Sana nagkaroon pa ng ganuung mga usapan, dahil sa ganuung paraan din kumakapal ang kwento.
Sayang ang kawalan ng journey para sa kanilang falling in love stage. Umpisa pa lang ng pelikula ay nahulog na. Kung kasabay sana natin silang naiinlab ay mas maitotodo pa ang kilig. Maganda sanang isipin kung nagsimula sila sa ibaba papunta sa itaas. Ngunit sa nangyari ngayon sa pelikula, halos parating na lang silang nasa 𝘢𝘭𝘮𝘰𝘴𝘵.
Medyo alanganin ang confrontation scene. Hindi masyadong naipaparating ang kanilang saloobin dahil sa mga ginagamit nilang mga salita. Napuputol din ang mga emosyon dahil sa paraan ng pagkaka-edit.
Urong-sulong ang atake ng pelikula. Nandidiyan parati ang pakiramdam ng 𝘢𝘭𝘮𝘰𝘴𝘵 dahil nakakabitin. Mahina sa pag-sustain ng momentum. Yung tipong nandyan na, pero hindi pa naitotodo. Parang nagpipigil pa. Yung akala mo itutuloy na, ngunit biglang malilipat sa ibang eksena.
May mga nangyayari kahit walang build up para rito. May mga paksa na lumilitaw na lang at nawawala. May eksenang hindi mo alam na nangyari na pala. May mga ipinakita sa credits na maganda sanang naisama sa mismong pelikula, pero hindi nagawa.
Makabuluhan at catchy ang kanilang OST, ngunit hindi ito gaanong nagamit upang ipahayag ang POV ng lalaki. Maganda na flawed ang character ng babae, ngunit kinulang sa pagtahi ng kanyang naging paglalakbay—mula pagkadapa hanggang pagkagising.
Mabilisan ang mga realization at pangaral sa buhay. May ilang bagay na hindi na pinag-usapan at nilaktawan na lang.
Hindi smooth ang mga linya. May mga sinasabi sila na hindi natural pakinggan sa daloy ng eksena, lalo na kapag dramahan na. Ngunit kapag comedy, nagiging witty ang mga pahaging at patama.
Simple lang ngunit may tama ang musical scoring. Nakakatulong upang bigyang pansin at diin ang nararamdaman ng mga karakter.
Ang pinaka-tumatak na eksena ay yung sa CPR. Hindi dahil sa nagkalapit ang kanilang mga labi. Kundi dahil sa tensyon at emosyon na nakapalibot dito.
Kahit alam mo na ang mangyayari, nakakakaba pa rin. Ramdam ang alinlangan kung itutuloy pa ba o hindi na. Ramdam ang agam-agam kung maghahalikan ba o iiwasan na lang. At nung natuloy na nga talaga, naghahalo ang sarap at sakit.
Masarap mahalikan ang taong minamahal, ngunit masakit ding umasa. Walang kasiguraduhan kung ito ba ay may patutunguhan.
Bittersweet ang huling mga sandali. Ang ulan na madalas nilang banggitin ay nagkaroon ng panibagong kahulugan.
Masayang mangarap at maligo kapag umuulan, ngunit nagdudulot rin ito ng sakit. Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang pagtulo ng mga luha. Mula sa pangarap, kailangan nang harapin ang realidad.
Naghahalo ang masasaya at malulungkot na emosyon. Sumusundot ang hapdi. Sumusundot ang kilig. Pasundot-sundot lang sila. There’s nothing definite. True enough, the movie consistently gives the feeling of 𝘢𝘭𝘮𝘰𝘴𝘵.
But if there’s one thing that’s far from 𝘢𝘭𝘮𝘰𝘴𝘵,
it’s the rise of JMFyang to the top.
Their loveteam is unstoppable, and their chemistry is undeniable. This movie proves that they’re meant for something greater.
Hindi na lang sila basta almost.
They’ve already made it.
𝐀𝐋𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐔𝐒
Cast: JM Ibarra, Fyang Smith, Yuki Takahashi, Sam Samarita, JM Salvado, Baus Rufo, Che Ramos, Lotlot Bustamante, and Dustin Yu
Screenplay by: Miguel Sevilla & Juvy Galamiton
Presented by: Regal Entertainment, Project 8 Projects
Release Date: May 6, 2026 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
What's your rating for ALMOST US?
5/5
4/5
3/5
2/5

Sobrang ganda nito sobrang worth it!
Ang tagal ko nang di nanunuod sa sinehan, at kung manood man ako mga horror/thriller ang genra para sulit haha. Sa pagkakaalala ko nga eh yung unang"The Quiet Place" pa ang last kong napanood. But for the love of Fyang, I did watch her very 1st movie sa big screen. So first time kong manood ng romcom sa sinehan. Nanood ako mag isa, ang hirap pala walang kahampasan sa kilig hahaha And for a beginner, they did not disappoint. I honestly did not expect but they delivered very well, kilig iyak tawa. There something in Fyang talaga na pag nakita mong umiiyak, maiiyak ka din. But same nakakabitin ang kwento, may kulang pero di mo mapinpoint kung ano. Pero magaling…
GANDAAA SOBRAA!! ang daming realizations, talagang nangyayari to sa totoong buhay :)) also, about their acting? hindi halatang baguhan sa industry. GRABE ANG EYE ACTING! worth to watch, PROMISEE 🥹💗
For me as new comer pra clang hnd new comer galing nla sa mata pa lng nla ma hahalk kana plus ung chemestry nla ung mga galawan nla real na real kya congrtras jmfyang
For a new actor and actress, nakakamangha ang kanilang acting skills. Sobrang ganda ng movie