And So It Begins (Documentary 2024)
Directed by: Ramona Diaz
Matagal nang lubog ang Pilipinas. Parating nangingibabaw ang kasamaan, katiwalian at kababalaghan. Imbes na wakasan, mukhang nasasanay na lang tayo bilang Pilipino. Nakakapagod nang lumaban. Paulit-ulit na lang. Wala namang nangyayari.
Nag-iba ang ihip ng hangin nung taong 2022. Noong tumakbo bilang Presidente si Leni Robredo, kasabay natin siyang maglakad saan mang rally siya mapadpad. Nakapagbigay siya ng pag-asa na akala natin ay naglaho na. Muling nagsindi ang alab sa ating mga puso. Nagkaroon ng kulay ang bukas.
Sa kasamaang palad, tayo ay natalo sa labang iyon. Balik ulit sa dati. Dalawang taon na ang nakakalipas, ano na nga ba ang kasunod?
This documentary shows Leni Robredo’s 2022 presidential campaign—while inserting some of Maria Ressa’s journalistic efforts for freedom of expression. Unfortunately, director Ramona Diaz failed to utilize her footages into its fullest potential.
Aside from the Philippines, this documentary is also hopeless because it lacks powerful direction and fruitful discussions. Because of this directionless documentary, one of the most colorful campaigns has become dull and lifeless. It wasn’t given the justice it truly deserves. The live talkback that happened after the movie premiere was way more insightful.
Maliban dun sa mga eksenang pinapatugtog ang kantang “Rosas”, nakaka-manhid na sa pakiramdam ang mga napapanuod mo.
Hindi maganda ang daloy ng istorya. Hindi mo alam kung saan papunta. Salpak lang nang salpak ng mga eksena. Yung apoy na naramdaman mo nung kampanya ay hindi man lang muling sumindi rito.
More than disappointment, this is just depressing to watch. If that is their primary intention, then congratulations for it was a success.
When the documentary ended, nothing really began. The hopelessness just continues.
𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗢 𝗜𝗧 𝗕𝗘𝗚𝗜𝗡𝗦
Release Date: August 21, 2024 in select cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Very inspiring.
waste of time and money..