top of page

APO HAPON

Apo Hapon (2024)

Directed by: Joel Lamangan


A Japanese vlogger aims to know more about her great grandfather—with the help of a Filipino historian.


Sakura Akiyoshi may not be fluent in speaking Tagalog, but she’s able to communicate what is needed to be said. The presence of her character is highly appreciated. A foreigner is trying her best to speak our language and to live with the locals. She also looks good with her onscreen partner.


Ang cute tingnan nina JC de Vera at Sakura Akiyoshi. Dahil parati silang magkasama, hindi kaduda-duda na nagkagustuhan sila. Dahil kasama ka sa kanilang paglalakbay mula umpisa, matutuwa ka sa kung ano ang meron sila.


Meron silang isang usapan tungkol sa tamang paggamit ng salitang pagmamahal at kung ano ang katumbas nito sa Tagalog at sa Nihongo. Sana ay mas marami pang usapan tulad nito kung saan ibinabahagi nila ang kultura ng bawat isa.


Karamihan sa kwentuhan nila ay hindi nakakatulong upang lubusan nilang makilala ang isa’t isa. May mga isyu na hindi nagkaroon ng magandang diskusyon. Mas nagiging interesado pa tuloy pakinggan ang chismisan ng mga extra sa paligid. Meron ding soundtrack na agad pinatugtog kahit hindi kailangan.


Walang arte at derechahan ang paraan ng pagkwento. Sapat na ito kapag ang eksena nila ay may dalawang tao lang na nag-uusap, dahil nagiging natural ang daloy ang usapan. Ngunit kapag ang eksena ay may nagbabarilan at nagkakasakitan, hindi ito nag-mu-mukhang totoo.


May elemento ng giyera ang kanilang istorya, pero kapos na kapos sila sa pagpapakita at pagpaparamdam nito. Sana ay nag-concentrate na lang sila sa pagiging isang love story.


Pinagsama sa iisang pelikula ang Hapon at Pilipino

ngunit hindi ito nagamit nang husto.


APO HAPON

⭐️


Cast: Sakura Akiyoshi, JC de Vera, Lianne Valentin, Nella Dizon, Fumiya Sankai

Screenplay: Eric Ramos & JP Lopez

Presented by: GK Production

Release Date: March 6, 2024 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling: 1

Emotions:  2

Screenplay:  1

Technical:  0.9

Message:  2


AVERAGE SCORE

Apo Hapon:  1.38

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page