top of page

BABAE AT BARIL

Babae At Baril (QCinema 2019)

Directed by: Rae Red


Opening credits pa lang. Mapapailing ka na agad ako dahil hindi maganda ang pagpasok ng unang eksena. Magugulat ka na lang kasi simula na pala. Tapos consistent pala silang ganun.


The flow of the story is abrupt. Hindi maayos ang pagkakatahi ng mga pangyayari. Halu-halong kwento. Andaming nagsusulputan na eksena at character nang walang pasintabi.


Bigla na lang lalabas si JC Santos tapos mag-e-emote sa tabi. Hindi porket pinakilala sya before eh ok na yun. His character wasn’t established enough para umabot sya sa puntong pwede na sya mag-emote nang ganun. Eh buti sana kung maganda yung script nya. Pero hindi rin naman makatotohan. The conversation felt unreal.


Hindi lang si JC ang emotera dito. Marami sila. Na magsasalita na lang bigla. Tapos mag-k-kwento na para bang may spoken poetry contest. Ang awkward pakinggan.


Pati yung scoring nila. Masyadong pa-bida at nangigibabaw. Parang gusto lang nila magpatugtog ng maangas na music. It doesn’t blend well with the scenes. Kahit alisin mo yun, walang pagkakaiba. It doesn’t help to intensify the scenes.


Siguro ang tanging maganda lang sa movie nato ay yung mukha ni Janine Gutierrez. Halos lahat ng eksena, mapapatingin ka sa kanya. Dahil dun, makikita mo yung kagandahan ng transformation sa mukha nya nung may hawak na syang baril vs nung wala pa. Kita mo yung weak at strong side nya. Not only through her face. But also by the way she talks.


Pero kulang pa rin sa emotions para tuluyan kang maapektuhan.


Sayang yung plot nila. Babae At Baril could’ve focused on how women can be empowered with or without gun in their lives. Instead, what we saw was a just stereotyped comparison between men and women shooting guns.


Sadly, hindi ka tatamaan.

It was a miss.


BABAE AT BARIL

Rating: 0/5


Cast: Janine Gutierrez, Felix Roco, JC Santos, Elijah Canlas

Presented by: Epic Media, Cignal Entertainment

Date Released: October 13-22, 2019 for QCinema 2019

A Movie Review by: Goldwin Reviews


0 comments
bottom of page