top of page

BADGE OF HONOR

Badge of Honor (2023) Directed by: Neal 'Buboy' Tan Presented by: PinoyFlix


Unang eksena pa lang. Masarap nang layasan.


May isang pulis na nagsasalita sa harap ng kamera. Sabi niya na ang pulis ay mababait, tapat, at handang magsilbi sa bayan. Para sa isang pelikula, dinidiktahan na nila agad kung ano ang dapat na maramdaman ng manunuod.


Wag magpapadikta. Ang panget ng pelikula.


Ang tamlay ng mga kuha. Paiba-iba ang mga kulay. Umaalog ang kamera. Hindi marunong umarte ang karamihan sa mga artista. Walang kwento na nabubuo. Ang madalas na eksena ay hinuhuli na ng mga pulis ang mga kriminal.


Patalon-talon ang mga eksena. Iba’t ibang kaso ang madaratnan mo. Umabot na ata sa sampung kaso ang ipinakita nila. Merong tungkol sa drugs, suicide, robbery, violence, kidnapping, catfishing… Lahat ng ito ay hindi natalakay nang maayos.


Lahat ay nalutas agad. Lahat ay walang ginamitang dahas. Lahat ay may parangal para sa mga pulis. Walang ginagawang masama ang mga pulis sa pelikulang ito from start to finish.


Perpekto ang mga karakter sa pelikulang ito. Ngunit alam naman nating walang perpekto. Dahil duon, mahirap maunawaan ang mga karakter. Hindi sila makatotohanan. Hindi sila naging tao. Naging Diyos sila.


Para sa pelikulang ito, hindi na baleng hindi perfect ang pagkakagawa sa pelikula. Basta ang importante, perfect ang mga karakter nila.


As a consolation from watching this movie, we are delighted to hear the OBB and the closing songs. The OBB music gives the Power Rangers x Abra kind of vibe. The closing sounds like a Tawag Ng Tanghalan champion song made exclusively for the policemen. The movie concludes with a slideshow picture presentation of policemen at their best—with quotes and statements that they should be respected.


Ang respeto para sa isang pelikula… ineearn yan. Pero pawala nang pawala ang respeto mo sa pelikulang ito habang patuloy mo itong pinapanuod. Umabot na sa katapusan, pigang-piga na ang pasensya at respeto mo sa kanila. Wala na ngang na-earn. Nabawasan pa.


This film doesn’t deserve a Badge of Honor.


BADGE OF HONOR Rating: -2/5


Cast: Rommel Padilla, Jeric Raval, Empress Schuck, Rayver Cruz, Alfred Vargas Date Released: August 16, 2023 in Philippine cinemas nationwide A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page