top of page

BAKA SAKALI

Baka Sakali (AQ Prime 2023) Directed by: Bong Ramos


Ni-release ngayong Valentine’s Day ang isang pelikulang hindi nakaka-happy ng puso.


Isang lalaking ikakasal na ang nahumaling sa ibang lalaki.


Istoryang tungkol sa kalokohan. Kalokohan rin ang pagkakagawa.


Ang amateurish ng cinematography. Maganda sana ang location, pero pumapanget dahil sa mga kuha at sa ilaw nila.


Nakakaasar ang akting. Labas sa ilong ang mga sinasabi nila. Ang melodramatic ng mga linya. Ilang beses binanggit ang pamagat na “Baka Sakali”. Ang cheap ng audio dubbing. Naging tunog-lata at tunog-Animé ang mga boses nila.


Sa istorya na lang sila pwede bumawi, pero pati yun ay dehado rin. Hindi nairepresenta nang maayos ang mga discreet at ang gay community.


Hindi naman mataas ang expectation sa tuwing manunuod ng bagong AQ prime movie. Expected naman na hindi ito maganda. Pero sana man lang umabot sila kahit sa disenteng produksyon at sa disenteng pagkwento lamang.


Darating kaya ang araw na magawa ng AQ Prime iyon?


Baka Sakali.


BAKA SAKALI

Rating: -1/5

p.s. Hindi talaga kumpleto ang isang AQ Prime movie kapag hindi nagpapakita at umaarte si Atty. Aldwin Alegre (na siyang CEO at President ng AQ Prime). Enjoy na enjoy siya sa pag-arte ih.

Cast: Drei Arias, Leandre Adams, Seon Quintos, April “Congratulations” Gustilo Presented by: AQ Prime Date Released: February 14, 2023 via AQ Prime A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page