BALARAW
Balaraw (Netflix PH Original Series 2026)
Directed by: Rae Red

Mahusay ang mga artista, pero ang boring panoorin. Ang alanganin pakinggan ng audio dubbing. 6 episodes lang siya, pero pwede pang paikliin. Hindi malaman ang bawat episode, kaya bitin sa pakiramdam.
EPISODE 1:
Maganda cinematography, pero hanggang visuals lang ang nagagawa nila. Hindi exciting yung eksenang ipinapakita tungkol sa isla. Mahina sa world building. Kulang sa mother-daughter relationship, kaya hindi nakakasabik hanapin yung nanay. Mas interesado ka pang malaman ang love story ng mga bida. Pinapasigla ni Charlie Dizon ang ang mga eksena.
EPISODE 2:
Nakakabagot yung paglilibot nila sa isla. Nagkakitaan na sila, pero wala pa ring tensyon at kilabot. Ang bagal umusad ng istorya. Puro emote ang ginagawa. Hindi makabuluhan ang mga tanungan. Hindi makatotohanan ang mga reaksyon. Kakarampot na impormasyon lang ang ibinibigay. Halatang pinapatagal para sa dulo ay maibunyag ang lahat.
EPISODE 3:
Kahit nagpakita na ang matagal nang nawawala, wala pa ring dating. Puro pahapyaw ang karamihan sa mga sinasabi. Hindi nakakadiri tingnan ang dugo at lamang loob. Andaming filler scenes. Pangkaraniwan lang tingnan ang isla. Ang tanging nagpa-angat lang dito ay yung hitsura ng wakwak.
EPISODE 4:
Naging interesting ang palabas dahil nagsimula na rin silang magkwento. Ngunit hindi naging malikhain ang pagkwento dahil isang bagsakan sinabi ang backstory. Ang awkward na magkaiba ang accent at ang hitsura ng mga karakter noong bata pa sila at ang kanilang mga kasalukuyang bersyon.
EPISODE 5:
Parang ewan yung huwag daw siyang hanapin, pero umalis siya sa gitna ng kainan. Ang convenient na biglang may mga tao at boses na nagbibigay ng impormasyon. Ang lawak ng mitolohiya — na tipong kahit anong maisipan ng mga writers ay pwede nilang gawin. Kung anu-anong patakaran at condisyon na lang ang dumarating.
EPISODE 6:
Ang tamlay panoorin ng mga putukan at patayan. Parang walang nangyayaring kaguluhan.
Kahit kailangan magmadali, nagawa pa nilang magdramahan. Ang anticlimactic na ilang beses nagkikita-kita ang mga karakter, tapos hindi makapag-decide kung anong gagawin.
Overall, mahina yung writing at direction. Kung anu-anong ibinibigay na impormasyon tungkol sa isla, pero hindi napagsama-sama nang maayos. Manipis ang istorya ng bawat karakter. Sayang yung husay ng mga artista at yung hitsura ng wakwak. Hindi sila nasulit.
Hindi malaman kundi malabnaw ang 𝘉𝘢𝘭𝘢𝘳𝘢𝘸. Halos anim na oras ang kabuuan ng palabas, pero mananatili ka pa ring uhaw. Nasayang lang ang araw.
𝐁𝐀𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖
Cast: Janine Gutierrez, Charlie Dizon, Agot Isidro, Ronnie Lazaro, Nonie Buencamino, Romnick Sarmenta
Written by: Rae Red, Jericho Aguado, Dodo Dayao
Release Date: October 29, 2026 on Netflix
A Series Review by: Goldwin Reviews

Comments