top of page

BATANG PACO

  • 1 day ago
  • 2 min read

Batang Paco (2026)

Directed by: Rechie Del Carmen


Sa unang tingin, akala mo downgraded version lang siya ng Batang Quiapo. Pero hindi pala. Basta ang pangalan ng bida ay Paco. Walang kinalaman ang lugar sa kwento. Kahit anong pamagat ng pelikulang ito ay makakalusot kasi wala siyang napupuntahan.


May nagpakita ng pwet. May bosohan na naganap habang umiihi. Bank teller na malaki raw ang suso. Nanghuhusga sila base sa pananamit. Racist remarks sa iba’t ibang bansa. Kung anu-anong mga banat na hindi mo alam kung paano at bakit nila naiisip.


Hindi maayos ang mga transition. Kusang pumapasok ang mga eksena kahit hindi pa ready. Andaming karakter na hindi naman mahalaga sa nangyayari. May ilang artista na parang nagbabasa lang ng linya mula sa papel. Dinadaan na lang sa musical scoring para pagtakpan ang mga kakulangan.

Si Ai-Ai Delas Alas ang pinaka-malaki sa poster pero pang-special participation ang kanyang atake. Antagal bago siya lumabas tapos ang kaunti pa ng kanyang eksena. Congressman ang role na hindi mo rin malaman kung ano bang pakay niya sa mamamayan. Parang hindi naman siya kilala ng mga tao. Nasa panganib na siya’t lahat lahat, pero wala pa ring naghahanap sa kanya.


Parehas na tanga-tangahan ang bida at kontrabida. Labo-labo na ang mga action scenes. Amateur silang lahat mag-isip at kumilos. Kahit outnumbered at walang training, nakakalusot pa rin ang mga bida mula sa putukan. Tumambling kuno si Empoy pero eme eme lang pala.


Sinubukang magpatawa at magpa-iyak ni Empoy. Minsan, epektibo siya. Pero mas nananaig ang kawalan ng script at direksyon. Representasyon sana siya ng mga mahihirap at hindi nakapag-aral. Pero hindi na ito napanindigan at nasundan. Hindi siya nagawan ng magandang character arc at redemption.


Andaming istoryang pwedeng makuha sa distrito ng Paco. Halos wala silang napulot mula doon para gawing makabuluhan sa pelikulang ito.


Nakuntento na lang sila sa mga panandaliang aliw at nakakasawang mga patawa. Hindi na sila nag-grow. Nanatili na lang silang bata. Napako sa laro.


𝐁𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐂𝐎

Cast: Ai-Ai Delas Alas, Empoy Marquez, Mon Confiado, Ynez Veneracion, Kim Rodriguez, Richard Quan, Alma Concepcion, Patricia Javier, Lara Morena, Cassy Lavarias, Chichi Rita

Story & Screenplay by: Gina Marisa Tagasa

Presented by: MiVida Productions

Release Date: February 18, 2026 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page