top of page

BATSOY

Batsoy (Cinemalaya 2022)

Directed by: Ronald Espinosa Batallones


Dalawang batang magkapatid

ang gagawin ang lahat

upang makakain ng Batsoy.


Hindi masarap ang pagkakagawa sa pelikula.


Maliban sa kapos sa aspetong teknikal, hindi rin nakakatakam ang kanilang paglalakbay.


Alam mo ang nangyayari. Naiintindihan mo ang sitwasyon. Ngunit hanggang ganun lang.


Maiinip ka kakaantay sa tinatamasa nilang Batsoy. Habang nag-aantay, hindi ka madadala sa mga eksenang pinapakita.


Nung inilabas na ang Batsoy, hindi mo malalasahan ang pagkain. Imbes na matakam ka rito, manhid na ang pakiramdam mo.


Walang pait.

Walang sarap.

Walang lasa.


BATSOY

Rating: 0/5


Cast: Sean Ethan Sotto, Markko Cambas

Date Released: August 7, 2022 on CCP

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page