top of page

BEDSPACER

Bedspacer (Vivamax 2024)

Directed by: Carlo Obispo


Isang bedspacer ang naliligaw at hinahanap ang kanyang sarili. Sa kama niya kaya matagpuan iyon?


Naliligaw din ang pelikulang ito

sa istorya at sa direksyon.


Maayos ang simula. Matino pa ang mga usapan. Nakabuo ng samahan ang mga karakter. Ang ganda pagmasdan ng mga sex scenes dahil sa cinematography.


Pasado sa aktingan sina Christine Bermas, Matthew Francisco, JD Aguas, at Micaella Raz. Samantalang nakakirita umarte sina Aila Cruz at Aria Bench.


May kanya-kanyang hugot ang bawat karakter pero nanatiling hugot na lang. Sasabihin na ganito ganyan tapos yun na pala yun. Madalas malalim ang mga linyahan, pero hindi naman ito tumutugma sa istoryang ipinapakita.


Gwardiya raw pero hindi naman nagbabantay. Estudyante raw pero panay nasa kama at hindi mo nakikitang nag-aaral. Mahilig daw sa libro pero luncheon meat ang parating binubuklat.


Sari-saring elemento ang sinisingit tungkol sa abuse, trabaho, stars, droga, gender, pangarap, revenge—hanggang sa hindi mo na makilala kung sino ba ang mga karakter na’to. Kung san san na napunta ang kwento. Watak na pagdating sa dulo.


Andaming puwang na kailangang punan

ng 𝘉𝘦𝘥𝘴𝘱𝘢𝘤𝘦𝘳 na ito.


BEDSPACER

Rating: 1/5


Cast: Christine Bermas, Micaella Raz, Matthew Francisco, JD Aguas, Aria Bench, Aila Cruz, Rash Flores

Story & Written by: Matt Teves

Screenplay by: Steve Banua Sanchez

Presented by: Vivamax

Date Released: January 8, 2024 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling: 1.5

Emotions: 1

Screenplay: 1

Technical: 2.5

Message: -1


AVERAGE SCORE

Bed Spacer: 1.0

1 comment

1 comentário

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação
Convidado:
10 de jan.
Avaliado com 1 de 5 estrelas.

Curtir
bottom of page