top of page

BEKS DAYS OF OUR LIVES

Beks Days Of Our Lives (2023) Directed by: Chad Kinis


Three bestfriends decided to have a vacation—which happened to be the best days of their lives.


Todo-bigay ang Beks Battalion na magbigay ng aliw para sa manunuod. Nakakatawa ang eksena nila kasama si Ruby Ruiz, ngunit saglit lamang iyun. Kakaunti lang ang mga havey na patawa. Karamihan ay waley na.


Ang bawat patawa sa pelikulang ito ay standalone at pwedeng i-upload as short clips sa YouTube, dahil hindi naman ito masyadong konektado sa kabuuan ng istorya.


May mga jokes na pwede sanang maging nakakatawa, pero dahil hindi maganda ang pagkakagawa, nagiging malungkot na lang siya.


Matumal ang mga patawa hindi dahil sa mga artista kundi dahil matamlay ang mismong eksena.


Hindi okay ang pagkaka-edit sa pelikula. Ang bagal ng takbo ng istorya. Napaka-haba ng bawat eksena. Kadalasan ay gusto mo na itong putulin, dahil pinapahaba lang nila ang kanilang mga sinasabi kahit paulit-ulit na lang ang naririnig mo.


Most of the scenes are literally quiet. You can only hear the voices of the actors—with no scoring and sound accompanying them. The jokes could’ve been livelier if the right edit was done for each one of them.


𝘉𝘦𝘬𝘴 𝘋𝘢𝘺𝘴 𝘖𝘧 𝘖𝘶𝘳 𝘓𝘪𝘷𝘦𝘴 is expected to have more cheers and laughter, but it turned out to be the sadder and quieter hours of our lives.


BEKS DAYS OF OUR LIVES

Rating: 0/5 Cast: Chad Kinis, Lassy Marquez, MC Muah Presented by: Pelikula Indiopendent, Viva Films Date Released: May 17, 2023 in Philippine Cinemas nationwide A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page