top of page

BIRDSHOT

Birdshot (2016)

Directed by: Mikhail Red


Started out strong in most aspects.


The scoring makes you feel that the river is nearby and the forest is your neighbor. The plot ignites your curiosity and makes you want to know more. The cinematography keeps on saying that this movie is serious.


Simula palang. Itsura palang. Alam mong may pinaglalaban. Ramdam mong may importanteng sasabihin.


Gumanda ang pelikula dahil sa mga gusto nilang sabihin. Be it about political hierarchy, killings by minor, human vs animal protection. So diverse at a glance. But they managed to put them all in one plate by the end.


Their weakness lies in their storytelling — yung journey kung paano sila nakarating dun and the emotions attached to it.


The film tackled different issues in a subtle way. They will bring them up. Then let you do the wandering alone. Matapang nilang sinimulan. Pero takot silang ituloy at pag-usapan pa.


Kulang sa istorya ang bawat karakter. Kaya mahina ang kapit namin sa kanila. Kapag wala kaming tao na sinusundan at kinakapitan, hindi nagiging maganda ang paglalakbay namin sa pelikula.


This film lacked that kind of perspective. Nakakadala yung shot nila sa bird. Sa sobrang ganda, maaawa ka sa ibon why it got shot by a 14-year-old girl.


Kung iisipin mo, dapat ka ring maawa sa batang babae. Dahil wala syang sapat na kaalaman. Hindi sya nabigyan ng tamang impormasyon. Pero hindi sya nagawan ng magandang kwento para pang-hugutan mo at kaawaan.


Ang tanging karakter na nilagyan nila ng kaunting buhay ay si Arnold Reyes. Pinakita sayo ang hangarin nya bilang isang Pulis at bilang isang Tatay. That’s why during his moment of transition, naiintindihan mo sya. He was able to relay the importance and the difference of both jobs. He is the only character that’s relatable.


I wish this film had more courage to share a story. They should’ve given more time in crafting their character’s journey and use them as main instrument to relay a message. Instead, the shots became the primary focus in every scene.


The message at the very end, no matter how important, remained weak. Because it doesn’t have a strong emotional foundation para tamaan ka nang tuluyan.


BIRDSHOT

⭐️⭐️


Cast: Arnold Reyes, John Arcilla, Mary Joy Apostol, Ku Aquino

Presented by: Tuko Film Productions, PelikulaRED

Date Released: August 16, 2017 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews



0 comments

Opmerkingen

Beoordeeld met 0 uit 5 sterren.
Nog geen beoordelingen

Voeg een beoordeling toe
bottom of page