top of page

BISYO!

Bisyo! (Vivamax 2023) Directed by: Daniel Palacio


Bisyo nila ang makipag-sex maya’t maya.

Bawat kibot, may kantot.


Pinaglaruan na naman ang mga babae. Kung anu-ano na lang ang pinapagawa sa kanila. Hindi na nakapag-kwento kasi puro kantutan na lang. Andaming babae na lumalabas lang sa eksena para maghubad at makipaghalikan. Tapos nawawala na pagkatapos.


Karamihan ng mga karakter ay walang ambag sa istorya. Ang mga bida ay hindi rin masyadong nagamit. Pa-sulpot-sulpot lang sila. Ang konti lang ng mga totoong eksena. Sa tuwing may nag-uusap, wala ka ring makuhang matino sa kanila.


Sayang na naman ang galing ni Gold Aceron. Maganda sana ang boses ni Ataska, pero sobrang out of place ng pagkanta niya rito. Halatang isiningit lang.


Sabog ang kwento. Hindi maayos ang direksyon. Naglagay ng maraming sapatos, pero hindi nabigyan ng hustisya. Dinaan na lang sa editing at effects para mukhang maangas ang hitsura ng pelikula.


Hindi kailanman magiging maganda ang pelikula na walang respeto sa mga babae at hindi binibigyang halaga ang istorya.


Gaya ng sapatos, itinuring na bagay ang mga babae rito.

Itigil na ang ganitong bisyo!


BISYO! Rating: -1/5

Cast: Gold Aceron, Ataska Mercado, Aerol Carmelo, Angelica Hart, Mark Anthony Fernandez Presented by: Viva Films Date Released: July 21, 2023 via Vivamax A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page