top of page

BIYAK

Biyak (2022)

Directed by: Joel Lamangan


Dalawang magkapatid

na pinag-biyak ng kahirapan

ang nagkatagpong muli.


Pag si Joel Lamangan ang nag-direk, makakaasa kang mala-Dramarama sa hapon ang mga eksena.


May mga bida na nag-iiyakan.

May kontrabida na makapangyarihan.

May matinding sigawan at putukan.

May mga emosyonal na linyahan.


At higit sa lahat… dapat kasama ang aktor na si Jim Pebanco na may pang-malakasan na eksena.


May potensyal ang mga pangunahing aktres sa pag-arte. Maayos din umarte ang mga aktor. Pwede pag-tiyagaan ang mismong kwento. Pero tamad ang pagkakagawa. Hindi na talaga pinag-isipan. Basta na lang may maipalabas.


Nakakabagot na. Manhid ka na sa mga eksena, dahil alam mo na ang mga mangyayari.


Nakakairita na. Paikot-ikot ang ginagawa sa mga pelikula kahit hindi naman maganda.


Mabuti sana kung maganda kaya inuulit-ulit. Pero inulit-ulit dahil wala nang maisip na iba pa.


Ito ang sumpa ng Vivamax presents Joel Lamangan na hindi ma-biyak-biyak.


BIYAK

Rating: 0/5


Cast: Angelica Cervantes, Quinn Carillo, Vance Larena, Albie Casiño, Jim Pebanco

Presented by: Viva Films

Date Released: July 1, 2022 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page