top of page

BJJ: WOMAN ON TOP

BJJ: Woman On Top (Vivamax 2023) Directed by: Linnet Zurbano


A woman joins BJJ (Brazilian Jiu-jitsu) to be on top of her game.


Kung nag-focus lang sana ito sa women empowerment, magiging makapangyarihan sana itong pelikula. Pero kulang sila sa gawa. Dinaan na lang sa mga linyahan at pa-ending statement para maisalba ang pelikula.


Kung ginamit nila ang BJJ para lang sa self-defense, magiging makabuluhan sana ito. Pero ang BJJ ay nawalan ng isang J. Mas marami pang sex scenes kesa sa mga martial arts scenes nila.


Yung ibang Jiu-jitsu moves, nabahiran ng kalaswaan. Yung training center ay naging lugar para mag-landian. Wala namang pagtuturo na nangyayari.


Hindi okay ang mga artista. Kulang pa sa hinanakit at takot si Angela Morena. Labas sa ilong mga pinagsasabi ni Yuki Sakamoto. Ang fake makipag-usap ni Keanna Reeves. Ang nonsense ng pagiging kontrabida ni Alexa Ocampo. Parati silang nag-se-sex ni Jiad Arroyo kapag magkasama sila sa mga eksena.


Ang out of place ng mga kantang pinapatugtog kasabay ng mga sex scenes. Imbes na malibugan ka, maiinis ka pa.


Ang paglalakbay ng bidang karakter mula ibaba papunta sa itaas ay nawawala. Bigla na lang siyang nasa top.


The character may reach the top. But the movie is still at the bottom.


BJJ: WOMAN ON TOP

Rating: 0/5 Cast: Angela Morena, Yuki Sakamoto, Alexa Ocampo, Jiad Arroyo, Keanna Reeves Presented by: Viva Films Date Released: September 29, 2023 via Vivamax A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page