top of page

BREATHE AGAIN

Breathe Again (2022)

Directed by: Raffy Francisco


7 years nang mag-syota.

Ngayon ay balak nang magpakasal.

Pero nasasakal na pala sila sa isa’t isa.


Hindi ka makahinga sa kapangitan ng pelikula.


Hindi natural ang daloy ng usapan. Hindi pinag-isipan ang mga linya. Nakakainis ito pakinggan.


Malinis ang dagat.

Nakaka-enganyo mag-dive.


Ngunit madumi tingnan ang pelikula.


Makalat ang pagkakagawa. Hindi maganda ang pagkakakuha sa mga eksena. Naghahalong reality show at music video ang hitsura.


Pati mga sex scenes, basta-basta lang. Nakahubad lang ang mga babae. Balot na balot naman ang mga lalaki. Naglolokohan na lang talaga sila.


Wala ring kwenta ang mismong kwento.


Hindi mo ramdam ang bigat ng samahan ng dalawang magpapakasal. Sabi nila pitong taon, pero parang pitong oras lang sila magkakilala. Hindi sila mukhang mag-syota. Walang maayos na paninindigan ang mga karakter.


Ginawa nilang libangan ang panloloko.

Ginawa nilang laro ang pagpapakasal.

Ginawa nilang landian spot ang dagat.


Imbes na matuwa ka sa ganda ng lugar,

Maninikip ang dibdib mo sa mga eksena.


Hindi ka makahinga sa kapangitan ng pelikula.


BREATHE AGAIN

Rating: -1/5


Cast: Ariella Arida, Tony Labrusca, Ivan Padilla

Date Released: June 3, 2022 via Vivamax

Presented by: Viva Films

A Movie Review by: Goldwin Reviews

1 comment
bottom of page