top of page

BULAWAN NGA USA

Bulawan Nga Usa / Golden Deer (Cinemalaya 2023) Directed by: Kenneth de la Cruz


Isang lalaki ang pumunta sa bundok para hanapin ang kanyang sarili at ang usa. Sasamahan mo ba siya?


Hindi mo kayang sakyan ang mga pinaggagagawa sa pelikulang ito.


Lakad lang siya nang lakad sa may puno. Papanuorin mo siyang matulog. Nakatulala at nakatingin sa kawalan. Pinapahaba nila kung ano ang pwedeng pahabain. Tapos maglalagay na lang ng simbolismo kung san san para maiparating ang kanilang mensahe.


Hindi mo makikilala ang karakter kahit siya lang ang kasama mo buong magdamag. Walang samahan na nabubuo na maaari mong panghugotan. Umiiyak siya pero wala kang maramdaman dahil wala kang paki-elam sa kanya.


Maliban sa bidang artista, lahat sila ay hindi na marunong umarte kaya hindi ka madadala sa lahat ng usapan. Dinadaan na lang sa scoring para mabighani ka sa mga nangyayari.


Hindi maganda ang hitsura ng pelikula. Umaasa na lang sila sa natural na ganda ng kalikasan, ngunit pati yun ay hindi rin nakuhanan nang maayos.


Mahirap maihalintulad ang usa sa pelikulang ito dahil kahit papano, ang usa ay pwede mong makitaan nang ganda.


BULAWAN NGA USA

Rating: 0/5 Cast: Ron Matthews Espinosa Presented by: Cinemalaya 2023 Date Released: August 5, 2023 at the PICC A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page