Call Me Papi (2022)
Directed by: Alvin Yapan
Limang lalaki ang nakatira sa iisang kwarto.
Iba’t iba ang kanilang trabaho, problema at personalidad. Ngunit lahat sila ay magkakaibigan.
Ramdam mo ang natural na kulitan at masayang samahan ng limang aktor. Gagawin ka nilang ka-barkada.
Saktong sakto sana ang kantang “Inuman Na!” para sa palabas. Pero kulang ang mga naipakitang eksena para tumagay ka. Hindi rin kaaya-aya ang ilang mga kuha.
Hindi maganda ang daloy ng mga eksena. Hindi maayos ang continuity. Tuloy-tuloy at walang preno ang mga eksena. Halo-halo ang mga ganap. Hindi na napagtutuunan nang pansin ang mga nangyayari sa bawat karakter.
Hindi nagamit ang kanilang mga trabaho para mas tumibay ang kanilang samahan. Hindi nagamit ang kanilang mga problema para mas lumalim ang mga usapan.
Limang Papi ang pinagsama-sama sa iisang pelikula, ngunit hindi sapat ang kanilang mga muscles para buhatin ito.
CALL ME PAPI
⭐️
Cast: Enzo Pineda, Albie Casiño, Lharby Policarpio, Royce Cabrera, Aaron Concepcion
Presented by: Feast Foundation, Viva Films
Date Released: December 7, 2022 in Philippine Cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comentarios