top of page

CHOOSING

Magaling kumiliti ng damdamin si Liza Diño. Kaya niyang paglaruan ang kanyang boses at magpalabas ng tunog na iyong kagigiliwan.


The performance of Ice is warm and genuine, always coming from a place of raw emotions and pure intentions. The sounds and visuals help in highlighting some moments.


Ice and Liza are the strengths of the show.

The script and direction are its weaknesses.


Maraming monologues at hindi ganun kalakas ang dating nito. Kapag pinagsama-sama mo ang bawat monologue, hindi siya cohesive tingnan.


Kung saan saan napupunta ang direksyon. Nag-iiba ang mood ng palabas. Nagiging pep talk, variety show, pelikula, exhibition—ngunit hindi maganda ang pagkakatahi. Hindi swabe ang flow at transition. Dim lights na lang at proceed sa next scene ang nangyayari.


Hindi rin malinis ang blocking. Kapag nakaluhod ang mga artista, hindi na sila nakikita ng mga nasa likod.


Nakakaaliw minsan ang kanilang banatan, ngunit ang epektong dulot nito ay panandalian lamang.


Bagamat may mga topics silang binabanggit, hindi ito umaabot sa puntong nagkakaroon sila diskusyon tungkol dito.


Maliban dun sa last part, bihira kang makakita ng arguments at ng two-way communication. Madalas ay naka-focus sila sa perspektibo ng bawat isa. Sayang ang pagkakataon na i-challenge ang norms at i-highlight ang kanilang mensahe.


If 𝘊𝘩𝘰𝘰𝘴𝘪𝘯𝘨 chooses to concentrate on its discussions than expositions, then there’s a chance the play would’ve been more impactful. For now, let’s choose to see it as a celebration of Pride month.

ree

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page