top of page

CLEANERS

Cleaners (QCinema 2019)

Directed by: Glenn Barit


Isang grupo ng mag-aaral ang naglilinis ng kanilang kapaligiran.

Hanggang saan nila ito kayang linisin?


Magaan panuorin ang pelikulang ito, dahil lahat ng karakter ay pamilyar sayo. May estudyanteng maarte. Friends na solid ang samahan. Classmates na nagliligawan. Student Leader na pambato ng mga magulang. At meron ding Class President that demands to be respected.


Iba’t iba man sila ng anyo at kulay. Minsan ay naging parte na rin sila ng ating buhay. Alam mong totoong tao ang mga ito. At masarap isipin na ang pinapanuod mo ay totoo.


The actors are natural in what they’re doing. Them being students in real life helped boost their authenticity. They know how it feels like to be young and naive. And so that’s what they are sharing to us. They didn’t feel like a stranger at all.


The film, having a familiar topic and being in black-and-white, brought nostalgia in a creative way. Only the main characters are highlighted with colors. Your focus is directed towards their actions. It was pleasing to look at and follow.


Aside from the satisfying visuals, they chose the right songs to make every scene effective and memorable. Malaking bagay na alam nila kung anong mga kanta ang dapat gamitin sa bawat eksena, dahil malakas ito makapukaw ng emosyon. Mas nakakaantig at mas nakakadala.


Ang pinakatumatak na kanta ay ang huling awitin na kanilang ginamit (Apoy Ng Kandila). Kasabay ng tunog at lyrics ay ang kaganapan sa huling eksena. Kung saan isang grupo ng mag-aaral ang naglilinis ng kanilang kapaligiran. At hindi alam kung hanggang saan ba nila ito kayang linisin. Magbabalik sayo lahat ng pinagdaanan nila. Ang kanilang hangarin at gustong gawin.


The ending felt like fireworks with its resounding moment. All the elements — from the song, colors, actors and message — come together to create a magical experience that speaks through the heart. You wouldn’t think of any questions, for it just feels so right. What a perfect way to conclude this movie.


Cleaners is a well-directed film na walang tapon at walang dapat linisin. It may be in black and white. But it is one of the most colorful movies ever created.


CLEANERS

⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️


Cast: Ianna Taguinod, Leomar Baloran, Julian Narag, Carlo Mejia, Gianne Rivera, Charise Mabbonag, Allan Gannaban, Andrei Marquez

Presented by: Dambuhala Productions, QCinema

Date Released: October 13-22, 2019 for QCinema 2019

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page