Crosspoint (2024)
Written & Directed by: Donie Ordiales
Antagal bago mag-krus ang landas ng mga karakter. Nakakabagot ang paghihintay dahil ang tamlay ng mga eksena. Walang dating ang mga linya. Hindi nakakadala ang musical scoring. Hindi nakakagigil ang kalaban kahit masama siya. Hindi ka konektado sa mga buhay nila.
Nung nagkaharap na sila, ang kaunti lang ng aksyon at bakbakan. Hindi sulit ang paghihintay. Hindi maganda ang mga kuha. Hindi gaanong nakikita ang ginagawa nila sa isa’t isa.
Hindi tumataas ang tensyon. Walang climax. Hindi nila kayang makagawa ng mga bigating eksena. Bigo rin silang makapagbigay ng mga emosyonal na sandali.
Sayang ang pagsasama ng isang Pilipino at isang Hapon sa iisang pelikula. Hindi ramdam ang pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawang bansa. Hindi lumabas ang tunay na kakayahan ng mga artista. Ang kagandahan ng lugar at kultura ay hindi rin naipakita.
When you see the trailer and the plot, you’ll expect an explosive collaboration. When you see the ensemble and their accolades, you’ll expect an intense showdown. But all those expectations are not met.
The film didn’t live up to its action and thriller genre. One thing is for sure… Crosspoint disappoints.
𝗖𝗥𝗢𝗦𝗦𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧
Rating: 1/5
Cast: Carlo Aquino, Takehiro Hira, Ian de Leon, Polo Ravales, Dindo Aroyo
Presented by: High Road Creatives, 034 Productions, Fire and Ice
Release Date: October 16, 2024 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 0.5
Emotions: 0
Screenplay: 1
Technical: 1.8
Message: 0
AVERAGE SCORE: 0.66
Комментарии