top of page

CUATRO

Cuatro (AQ Prime 2023) Directed by: Rosswil Hilario


May mag-asawa at may mag-jowa na nagpapalitan at nagtitikiman.


Ang pagtataksil at panloloko ay ginawa na nilang libangan.


Wala na talagang halaga sa AQ Prime ang usapang pamilya at moralidad kung kaya’t pati sina Ninong at Ninang ay hindi na nakaligtas.


Makaluma ang mga linya na tila isang mahabang pagsasadula sa radyo ang iyong naririnig. Tapos tatawid bigla sa napaka-bastos na usapan na kadalasa’y sa inuman mo lang masasaksihan.


Ang maganda sa pelikulang ito ay totoong kinakagat ng mga karakter kung ano man ang nakapatong sa lamesa (tulad ng hotdog at si Ninang) — hindi gaya sa ibang pelikula na pang-display lang at hindi naman ginagalaw ang mga nakahanda sa hapag-kainan.


Pang-siesta ang atake sa mga normal na eksena. Pang-porn ang galawan kapag kadyutan na.


The movie’s just another porn video with an insignificant invaluable story.


Sayang ang pag-dra-drama ng mga artista, dahil hindi rin naman kaabang-abang ang kanilang mga karakter. Gawa-gawa lang ang kwento para makapag-sex silang apat.


Hence, Cuatro.


Four times the fun. Four times the lampungan. Four times the kapangitan.


CUATRO

Rating: -1/5

p.s. Muntik nang tumaas ang score nito dahil sa nakakasilaw na presensya ni Atty. Aldwin Alegre.

Cast: Nika Madrid, Joni McNab, Rico Barrera, Jet Delgado Presented by: AQ Prime Date Released: March 31, 2023 via AQ Prime A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page