top of page

D' ASWANG SLAYERZ

Dโ€™ Aswang Slayerz (2023) Directed by: Ricky Rivero


Magbigay pugay sa bagong hiyas ng Pelikulang Pilipino.


Sabi nila, hindi mo malalaman kung ano ba ang tunay na maganda kung hindi mo pa nakikita ang kapangitan.


Sabi naman ng pelikulang ito, kami na ang magpaparaya upang magningning ang ibang pelikula. Sasaluhin na namin lahat ng kapangitan.


Kwentong hindi pinag-isipan. TV Patrol ang actingan. Puro biruan at laitan ang mga hiritan. Nakakatawa na sa sobrang ka-cornihan. ๐˜‹โ€™ ๐˜ˆ๐˜ด๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ป ang pamagat, pero walang ๐˜ข๐˜ด๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ at walang ๐˜ด๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ na kaganapan. Naging talent portion at sayawan na lang.


Pati editor ng pelikula ay sumuko na. Nawala na ang audio sa dulong bahagi. Wala ka nang marinig sa mga pinagsasabi nila. Naging lip sync battle na lang ang kanilang final battle scene.


The movie defies all sorts of continuity. Ikaw na ang bahalang mag-adjust kung nasaang timezone na ba sila. Ikaw na ang mag-iisip kung paano ito nakarating dito at kung bakit ganito at bakit ganyan.


Wala silang paki-elam sa manunuod. Basta may pelikula sila at masaya sila. Tapos ang usapan.


This film deserves to be seen by everyone as a wake up call on how messed up the Philippine Cinema can be.


As a sign of gratitude and awakening, a new score has been unlocked and awarded to ๐˜‹โ€™ ๐˜ˆ๐˜ด๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ป for slaying all the worst Filipino movies of all time.


Hawak ng ๐˜‹โ€™ ๐˜ˆ๐˜ด๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ป ang trono. Walang makakapaslang dito.


D' ASWANG SLAYERZ

Rating: -โˆž/5

Cast: Mel Martinez, Athalia Badere, Sharmaine Arnaiz, Rosie Bagenben, Magdalena Fox, Lester Tolentino, Dawn Dupaya, GJ Dorado, Chelsea Bon, Christian Antolin Presented by: Amartha Entertainment Production Date Released: March 22, 2023 in Philippine cinemas nationwide A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page