top of page

D' NINANG

D’ Ninang (2020)

Directed by: GB Sampedro


Ai-Ai delas Alas is an infamous thief unbeknownst to her daughter who is an aspiring lawyer.


This movie had an interesting main conflict — which remains to be a conflict until the end. They didn’t even try to solve it in the first place. Walang hakbang para matugunan ang problemang yun.


Hindi napag-planuhan. Hindi na-solusyonan.

Tapos bigla nalang nagkapatawaran.

Na parang walang kasalanan.


Sayang yung drama scenes ni Kisses Delavin, dahil hindi nagamit sa makabuluhang usapan. Dinaan nalang sa kilig moments with McCoy de Leon. Yung love team na biglang pinasok nang walang entrada. Tapos mag-bibitaw agad ng mga hugot lines na walang preno.


This movie had a secondary conflict too — A Mother’s Love between two daughters, one by blood and one by choice. — which also remains to be a conflict until the end. They didn’t even try to solve it in the first place. Pinag-away lang ang dalawang magkapatid.


Nagka-iringan. Nagkasagutan.

Pero walang pinatunguhan.

Hindi na nadugtungan.


Sayang yung angas na pinakita ni Angel Guardian, dahil hindi nagamit sa magandang hantungan. Sayang din ang angking galing ni Ai-Ai sa drama at comedy.


Hindi alam ng palabas nato kung anong genre ang magiging panlaban nya. Nagsimula sa insult comedy. Naging intense drama. Nagsingit ng hugot romance. At nagtapos sa serious action.


Yung nag-eemote nang matindi si Kisses, tapos matatawa ka sa banat ni Ai-Ai. Yung exchange of punchlines, napunta sa exchange of punches. The abrupt switching of tone is hard to watch.


Ano bang emosyon at leksyon ang gusto nilang iparating talaga?


To begin with, I don’t have high expectations for this movie. I just wanted to laugh and feel good. Pero dun pa lang, hirap na sila. Daming pinasok na problema at genre, hanggang sa gumulo na.


Sa sobrang gulo... Hindi na rin nila alam kung pano tatapusin ang palabas. Pero kasi ending na talaga e. Kailangan matapos na daw ang kaguluhan.


All bad things must come to an end. And there’s no easier way to escape all unresolved problems than to end it with a happy-ending narration and montage.


Voila. They all lived happily ever after.

Problem solved. Case closed.


D' NINANG

Rating: 0/5


Cast: Ai-Ai delas Alas, Kisses Delavin, McCoy de Leon, Kiray Celis, Angel Guardian, Kelvin Miranda, Lou Veloso, Joey Marquez

Presented by: Regal Entertainment, Inc.

Date Released: January 22, 2020 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews



0 comments
bottom of page