top of page

DEAR SATAN

Dear Satan (2025)

Directed by: RC Delos Reyes


X Rating ang hatol ng MTRCB dito dati kaya hindi naipalabas sa sinehan. Ngayon ay available na siya sa online streaming app na “Filicoola” sa halagang 149 pesos.


Nakakalungkot lang dahil kapag napanood mo na ang buong pelikula. Hindi siya bagay sa online streaming. Hindi rin pang-sinehan ang quality. Mas bagay siya bilang trailer.


Kapag pinanood mo ang trailer, halos nakwento na lahat doon. Tuturuan ni Satan ang bata ng 7 deadly sins para makuha ang kanyang kaluluwa.


Naging enumeration lang ang pagkakalatag sa mga eksena. May lalabas na text sa screen kung anong deadly sin na ang ginagawa nila. Tapos lipat na kaagad sa susunod. Parang hindi ka nanonood ng pelikula. Magkakasunod lang na videos ang ipinapakita.


Ang boring panoorin. Nag-aantay ka na lang ng countdown papunta sa ending. Kapag nag-uusap sila, hindi nahihimay kung ano ba ang masama at mabuti. Sobrang haba ng confrontation scene, pero paulit-ulit lang ang sinasabi.

Hindi kapani-paniwalang Satan si Paolo Contis. Para lang siyang mayaman na karakter na walang magawa sa pera. Sa sobrang bait ni Sienna Stevens, naging preachy na ang mga eksena.


Ang mechanical ng interaction nila sa isa’t isa. Walang introduction at getting-to-know stage. Derecho agad sa agenda. Hindi naglaan ng oras para maging matibay ang kanilang samahan. Pagdating sa ending, wala ka tuloy mahugot dahil hindi nabuo nang maayos ang kanilang relasyon. Naging checklist na lang ito ng mga leksyon.


Sa dami ng ibinigay na aral, nakakagulat na X Rating ang hatol ng MTRCB dahil nakaka-offend daw ito bilang Kristiyano. Gayunpaman, hindi tema at religion ang nakaka-offend dito kundi ang quality ng pelikula. Hindi nasulit ang potential ng kanilang konsepto.


Sa lahat ng deadly sins, mukhang sloth ang pinaka-nangibabaw dahil nakakatamad siyang panoorin. Runner-up ang wrath.


𝐃𝐄𝐀𝐑 𝐒𝐀𝐓𝐀𝐍

Cast: Paolo Contis, Sienna Stevens, Aya Fernandez

Written by: Onay Sales-Camero

Story by: Erwin Blanco

Presented by: MAVX Productions

Release Date: December 25, 2025 on Filicoola

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page