top of page

DEARLY BELOVED

Dearly Beloved (2024)

Directed by: Marla Ancheta


This movie should’ve focused more on blended family problems and annulment challenges, but it’s only touching the surface level.


Adjustment of kids wasn’t tackled. The differences and similarities between the two families wasn’t mentioned. The topic of annulment was only inserted but not discussed.


Natatapos agad ang mga usapan. Kalkulado ang batuhan ng linya. Hindi nakakabuo ng magandang argumento. Hindi natutumbok ang mga dapat banggitin. Parating bitin.


Hindi gaanong naibahagi ang nararamdaman ng mga bata tungkol sa sitwasyon. Hindi rin naipakita kung paano ito nakaka-apekto sa kanilang buhay ekswela. Ang konti lang ng mga eksena at usapan na kasama sila.


Sa isang pamilya, parating nangunguna ang kapakanan ng mga bata. Pero dito sa palabas na’to, mas nangingibabaw pa ang emosyon ng dalawang magulang.


Nangunguna minsan ang dramatic scoring kahit nagsisimula pa lang ang eksena at wala pang drama na nangyayari. Kapag pinatugtog na ang soundtrack na “Di Susuko” by This Band, hudyat na raw yun para ikaw ay umiyak.


Hindi bagay maging band singer si Cristine Reyes. Hindi nagamit ang musika para mas kapitan mo ang kanilang buhay. “Thank you” or “that’s our last song” ang madalas niyang sabihin sa audience kapag hawak na niya ang microphone. Nung minsan na kumanta siya, pang-sashay away ang kanyang lip sync performance.


Pero kapag nasa bahay lang siya at kasama niya ang kanyang partner, nailalabas niya ang kanyang galing sa pag-arte. Nakuha niya ang insecurities at paranoia ng isang babaeng nasa relasyon na walang kasiguraduhan.


Si Baron Geisler ay isang receptionist. Meron lamang siyang isang eksena na nakikipag-usap sa mga guests at halatang choreographed pa. May isang eksena rin na kasama niya ang isang hiring manager tapos paulit-ulit niyang tinawag na Ma’am kahit sinabing tawagin na lang siya sa kanyang pangalan. Nakaka-bother dahil hindi niya ito ma-address nang maayos.


Pero iba ang usapan kapag kaharap niya ang kanyang partner dahil ramdam mong mahal niya ito.


Baron Geisler easily stole the scene when he cried his heart out. All his suppressed emotions were released singlehandedly and it was moving.


Sana mas marami pang ganitong eksena kung saan ramdam talaga ang pagmamahalan. Sa takbo kasi ng pelikula, hindi nila naibahagi kung bakit pinili nilang manatili sa kanilang sitwasyon kahit hirap na sila.


Halos lahat dito ay pahapyaw lang—mula sa mga damdamin hanggang sa mga usapin.


Pati ang pamagat nilang “Dearly Beloved” ay napakahina ng dating. Hindi magandang buod ang pamagat na ito para sa kanilang pelikula.


DEARLY BELOVED

Rating: 1/5


Cast: Baron Geisler, Cristine Reyes, Althea Ruedas, Tyro Gabriel Daylusan

Screenplay by: Aileen Kessop, Marla Ancheta

Presented by: Halcyon Productions, Viva Films

Release Date: March 30, 2024 in Philippine cinemas nationwide 

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  1

Emotions:  3

Screenplay:  0.5

Technical:  1.2

Message:  1.5


AVERAGE SCORE

Dearly Beloved:  1.44

1 comment

1 comentário

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação
Convidado:
12 de jun.
Avaliado com 1 de 5 estrelas.

Edi wow. Lahat ng scenes pina pakialaman mo. Maganda ang mensahe ng pelikula.

Curtir
bottom of page