top of page

DELIA D.

Para sa halagang 1k - 3.5k, sulit na sulit ang palabas na ito. Ang bongga ng production. Ang gara ng set. Engaging ang mga video displays. Kabog ang mga costume. Halatang hindi tinipid.


Swabe ang transition sa paggitan ng mga eksena. Walang patay na oras. Hindi sila nauubusan ng mga sasabihin at gagawin. Ang galing ng comedic timing. Parating may nakaabang na punchlines. Funny funny to the HAHA!


Mabilisang nangyayari ang lahat. May mga oras na gugustuhin mong mag-slow-down muna sila upang umangat ang ilang mga eksena. Kulang sa pagbuo ng chemistry ang mga karakter. Hindi ramdam ang relasyon ng bawat isa. Hindi rin malakas ang naiwan nilang mensahe.

Bagay na bagay kay Phi Palmos ang role. Kahit siya ang bida sa palabas na ito, halos lahat ng karakter ay may pagkakataon na kuminang.


Sa bawat kantang inaawit ni Shaira Opsimar, dulot nito ay palakpak. Nakakamanghang pakinggan ang kanyang mga notang umaabot hanggang kalawakan.


Ang gorgeous tingnan at ang rich ng quality ng boses ni Mimi Marquez. Nakakaaliw ang mga sagutan at bosesan nina Floyd Tena and Tex Ordoñez-De Leon. Ang sweet ng voice ni Omar Uddin. Ramdam ang naging presensya ni John Lapus.


Hindi bumababa ang energy ni Miah Canton. Nakakabilib ang vocal prowess na ipinamalas ng ilang performers at Drag Artists. Sayang dahil ang kaunti ng singing lines nila.


Sobrang benta ng 𝘎𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘒𝘰 𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘶𝘮𝘪𝘵𝘢𝘸 (Delia version). Ang sarap sa tenga ng naging harmony sa 𝘔𝘢𝘺 𝘒𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘒𝘢. Ang saya ng mga high notes na dinagdag sa 𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘚𝘢𝘺𝘰. Ang kulig nung 𝘜𝘭𝘪𝘵-𝘶𝘭𝘪𝘵 performance. Ang galing ng pinagsamang live singing at drag lip syncing sa 𝘗𝘢𝘨𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘔𝘶𝘭𝘪. Nakakamangha ang flower dress reveal. Effort kung effort ang mga song numbers.


Simula pa lang, masaya na siyang panuorin. Punong puno ng buhay at kulay ang mga kaganapan. Hindi nila hahayaan na mainip ang manunuod. Ang nakikita mong mga bagay ay pumapantay sa naririnig mong mga boses. Ang ticket prices ay naaayon sa lahat ng kanilang ipinamalas. Di ka lugi sa Delia D!


Dazzling and Delightful, DELIA D. runs from April 25 to June 8, 2025 at the Newport Performing Arts Theater. Ticket price ranges from 1k to 3.5k.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page