DESPERADA
- 2 hours ago
- 2 min read
Desperada (Sinag Maynila 2026)
Directed by: Louie Ignacio

Halos lahat ng role ay baliw. Pati sa end credits, nakasulat ang “baliw” bilang kanilang mga pangalan. Dahil sa sobrang dami nila, hindi natutukan ang istorya ng bawat isa.
Hindi pinagtuunan ng pansin ang kanilang totoong kalagayan. Babanggitin lang ang mga problema at hindi nabibigyan ng solusyon. Madalas ay hinahayaan na lang. Walang aksyon na nagaganap.
Sayang ang ilang shots na hindi nasusuportahan ang ilang eksena. May tinulak sa ilog, pero hindi nakita ang pagkahulog. May nagtatalik sa sementaryo, pero hindi naiparamdam ang nakakatakot na kapaligiran. May tae pala, pero hindi siya mukhang totoo tingnan.
Hindi masyadong nagamit ang husay nina Sue Prado at Mercedes Cabral. Pinasadahan lang ang kanilang kwento. Sila lang ang matinong karakter sa pelikula, ngunit kinulang sila sa paggabay sa kapwa.
Lumalaban si Robb Guinto pagdating sa aktingan. Konting hugot pa siguro para mas lumabas sa mukha niya ang tindi ng kanyang pinagdaraanan. Pero malaking improvement na ito kumpara sa kanyang nakaraang Vivamax movies. Marami siyang ginawa rito na nagpa-angat sa kanya bilang isang aktres.
Hindi malinaw magbigkas ng mga linya si Mhack Morales. Pero pagdating sa mga matitinding eksena, maaasahan mo siya. Kaya niyang sumabog kung kinakailangan.
Hindi mo alam kung natural lang ba kay Yasser Mata ang kumilos at makipag-usap ng ganun. Dahil sa kanyang pagganap, nagmukha talaga siyang sinto-sinto at delikadong tao.
Napunta kay Julianne Richards ang karamihan sa mga nakakatawa at malalaswang linya. Pero hindi swak ang boses na naririnig mo mula sa kanya—kumpara sa kinikilos ng kanyang bibig at mukha.
Alanganin ang pagiging bakla ni Jorge Guda sa palabas. Tila isang palabas lamang ang kanyang representasyon. Parang nilagay lang ang karakter niya diyan para magbigay-aliw.
Ang hirap punahin ng mga artista kapag sila ay umaarte. Kapag may kakulangan sila pagdating sa aktingan, pwedeng makalusot dahil baliw ang kanilang karakter. Kahit anong gawin nila, may kabuluhan man o wala, pwede pa ring makalusot dahil wala sila sa tamang pag-iisip.
Maya’t maya ay nagtatarayan sila. Magbabatuhin ng mga iconic lines. Bagamat nakakatawa pakinggan, hindi siya masyadong nakakatulong upang umangat ang istorya.
Madalas ay may acting showdown na nagaganap. Paggalingan silang sumigaw at umiyak.
The downside of these acting showdowns is that while you end up praising the actors’ performances, they don’t do much to build genuine empathy for the characters.
Their stories aren’t explored as much, often reduced to just one or two conversations. There’s no tangible plan to improve these patients’ conditions. They mostly resort to temporary relief—and they can’t be blamed for it either.
When life falls apart, you start reaching for anything that feels slightly better—even if it’s far from ideal or just the bare minimum. You become desperate for anything that hurts a little less.
By the end, you just hope that this kind of desperation may lead them to a life they truly deserve.
𝐃𝐄𝐒𝐏𝐄𝐑𝐀𝐃𝐀
Cast: Robb Guinto, Yasser Marta, Mhack Morales, Mercedes Cabral, Sue Prado
Screenplay by: Dennis Evangelista
Presented by: LDG Productions
Release Date: March 23-29, 2026 for Sinag Maynila
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments