top of page

DO YOU THINK I AM SEXY?

Do You Think I Am Sexy? (2022)

Directed by: Dennis Marasigan


A student supports her studies by creating sexy contents online. One of her subscribers is her professor.


Hindi mo nakikitang nag-aaral ang estudyante. Pumapasok lang siya sa paaralan para ma-late.


Pag nagtuturo ang professor, para lang siyang nagbabasa ng script. Labas sa ilong ang mga sinasabing leksyon. Ang girlfriend ng professor ay intense kung magsalita, pero walang emosyon na lumalabas.


Hindi nabigyan ng hustisya ang mga ganap sa ekswelahan. Pagdating naman sa online content creation, kulang-kulang din ang mga naipapakita.


Mabagal ang daloy ng mga eksena at ng mga usapan, kahit wala gaanong nangyayari. Madalas daanin sa mellow music para ma-antig ka.


Sa kabila ng mga kakulangan, nagpatuloy lang sila sa pag-kwento. Seryoso sila sa pagbigay ng kanilang mensahe. Sandamakmak na problema ang patuloy na binabato sa bidang babae.


The journey and the personality of the main character made this movie more beautiful. To see her surviving (or at least trying to survive) is actually inspiring.


She is consistent in being strong.

She knows how to carry herself.

She keeps on fighting no matter what.


Hindi siya nagpapa-apak.

Hindi siya naghuhubad para bastusin lamang.


Kung ganito klaseng mensahe ang pinapakalat ng Vivamax at hindi puro pagpapakitang-katawan lamang, mas magiging sexy ang kanilang mga pelikula.


DO YOU THINK I'M SEXY

⭐️⭐️


Cast: Cloe Barreto, Marco Gomez, Chloe Jenna, Dolly de Leon, Jojit Lorenzo

Presented by: Viva Films

Date Released: September 9, 2022 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page