top of page

ELLA ARCANGEL

8 minutes ago
2 min read

Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko (2026)

Directed by: Mervin Malonzo


Maganda siyang tingnan. Mukhang siyang photo album na may mga pages. Pero bilang pelikula, kulang pa siya sa mga galaw. Para siyang litrato na inaalog. Minsan, zoom in zoom out. Ang cute nung kalaban na mukhang baboy. Nakakatakam tingnan yung banana cue.


Ang galing ng voice acting. Kapag pinakinggan, ramdam ang excitement ng mga artista. Pero kapag pinapanood, hindi akma yung energy na binibigay ng artista kumpara dun sa animation dahil hindi masyadong magalaw yung mga mukha at katawan.


Ang moody ng script. Makalat ang kwento. Wala gaanong mapiga sa usapan. Itong nanay, parang wala namang pake kay Ella. Hindi ramdam ang pagiging pamilya nila. Itong kaibigan, bigla na lang dumating. Parang estranghero silang lahat sa isa’t isa. Hindi makabuo ng malalim na relasyon.

 

Nung oras na para balikan ang mga ala-ala, wala masyadong mahugot dahil kulang pa sa bonding moments kasama si Lola.


Ang off ng pacing. Naging shortcut ang journey ni Ella. Nakita mo siyang nangangapa pa nung una. Pagkatapos nun, naging mahusay na lang siya. Hindi naipakita kung paano nahubog ang kanyang pagkatao at kung paano siya pinagtibay ng panahon.


Hindi matancha ang kanyang tunay na kakayahan dahil tila wala itong limitasyon at mga kondisyon. Kung anu-anong random na powers na lang ang lumalabas. Maski yung insekto at mga maseselang bagay na ginagamit sa ritwal ay halu-halo na lang din.


Basta-basta na lang silang nakakapasok sa mundo ng shadowlands at masikap. Hindi nailarawan ang kalakaran na meron sa magkabilang mundo. Wala masyadong pinagkaiba ang mga hitsura ng mga pakalat-kalat na elemento at yung mga tao.


Mahina ang character at world building. Parang isiningit lang yung anggulo tungkol sa patayan at kaharasan. Ambilis kung paano tinapos yung soul-eater. Ang caricature ng naging representation para dun sa baboy na pulis. Katulad ng bida, ang mga kalaban sa pelikula ay hindi nahulma nang maayos.


There’s an important line mentioned at the end about one’s path is not determined at birth but shaped by his journey and the people around him. It’s quite ironic because the idea behind that very line is exactly what’s missing from 𝘌𝘭𝘭𝘢 𝘌𝘳𝘤𝘢𝘯𝘨𝘦𝘭.


Ella’s journey and what shapes her aren’t explored enough to make her a memorable character.


𝐄𝐋𝐋𝐀 𝐀𝐑𝐂𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋: 𝐀𝐖𝐈𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐋 𝐀𝐓 𝐊𝐔𝐊𝐎

Cast: Bianca Umali, Michael V.

Screenplay by: Mervin Malonzo and Julius Villanueva, based on the Ella Arcangel comics by Julius Villanueva

Presented by: GMA Pictures, Twenty Manila, Haliya Publishing, and Rocketsheep Studio

Release Date: November 13, 2026 at the QCinema International Film Festival

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page