top of page

FAMILY HISTORY

Family History (2019)

Directed by: Michael V.


A family of three, who seemed happy, is confronted with different kinds of problems.


Ano ba ang hangarin ng palabas nato?

Magpa-iyak? Magpatawa? O gawing magaan ang mga mabibigat na problema?


Kahit ano pa man yun, hindi nila nailahad nang maayos ang kanilang kwento.


Nagsimula sila sa pagpapakilala ng bawat karakter. Gayunpaman, hindi mo rin makilala ang mga karakter nang lubusan, para tuluyan mong maintindihan ang kanilang pinagdaraanan. Nabibilang lang ang mga eksena na mahalaga. Halos palamuti na ang karamihan.


May mga kaganapan tungkol sa music. Ngunit hindi nagkaroon ng istorya kung bakit mahilig sila sa ganung larangan. Bigla silang magbabanggit ng mga lyrics sa usapan na hindi mo alam kung saan nanggaling. Magkakaroon ng paligsahan sa pag-awit at pagsulat ng kanta, pero hindi pinakita ang kanilang paghahanda at paglalakbay patungo sa araw na ito.


May mga animation na ipinapasok dahil sa katauhan at imahinasyon ng karakter. Imbes na matuwa ka sa ganda nito, manghihinayang ka na lang dahil hindi angkop sa nasimulan nilang tema at paksa.


May mga mahahalagang usapan sana na pwedeng mangibabaw, pero hindi nabibigyan ng hustisya. Salita lang sila nang salita at hindi napupunta sa aksyon.


May kanya-kanyang problema ang bawat karakter na dapat pagtuunan nang pansin. Ngunit kahit gaano kabigat ito, hindi mo mararamdaman ang importansya at ang halaga nito. Hindi ka rin makakaramdam ng awa para sa kanila. Pinaglalaruan nila ang bawat usapan. Mahilig silang magpatawa nang hindi naaayon sa sitwasyon.


Drama ang genre pero napuno ng comedy na may patikim ng animation at music. Hindi nila napagsama-sama nang maganda. Mapapakamot ka na lang ng ulo dahil hindi mo alam kung totoo ba talaga ang pinapanuod mo.


Para kang nanunuod ng gag show.

Hindi mo sila seseryosohin.


This movie placed unnecessary punchlines above all, losing the chance to share a story and tell it straight from the heart.


FAMILY HISTORY

Rating: 0/5


Cast: Michael V., Dawn Zulueta, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Ana Feleo, John Estrada

Presented by: GMA Pictures, Pista ng Pelikulang Pilipino

Date Released: July 24, 2019 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page