FILIPIÑANA
- 1 day ago
- 2 min read
Filipiñana (2026)
Written & Directed by: Rafael Manuel

A golf country club, run by an Ilokano president, looks glossy on the outside, but it’s rotting on the inside. Filipinos become helpless servants and foreigners become favored guests.
Maraming mensahe ang nakakalat sa pelikula. Kapag pinagsama-sama lahat, ito’y sumasalamin sa paraan ng pamumuhay na meron ang Pilipinas. Ngunit lahat ng paksa ay dinaanan lang.
Daplis daplis ang kanilang nasasabi. Magbabanggit ng isang pangungusap tungkol dun. Tapos maya’t maya ay may panibagong isyu na bubuksan. Pinapakawalan sa kawalan.
Masyadong babad ang mga shots. Matagal ang phasing. Pinapahaba nila ang bawat eksena — kahit nasabi na nila ang gusto nilang sabihin sa mismong eksena na iyon. Andaming pwedeng putulin. Mas mainam kung short film siya imbes na full length.
Minsan akala mo ay isang mahabang commercial advertisement ang pinapanood mo. Synchronized ang kilos ng mga tao. Wala silang reaction. Antagal sumagot kapag tinatanong. Nawawala ang authencity ng sitwasyon dahil tanchado at praktisado ang lahat.
Init ng panahon ang kadalasang reklamo ng mga mayayaman. Samantalang ang mamamayan ay mas marami pang iniintinding problema — na mas karapat-dapat kainitan ng ulo. Ngunit hindi ito ramdam sa mga karakter. Hindi nakikita ang bigat ng kanilang pasanin. Mukha silang lutang.
Nakalimot na ata sila.
Naging manhid na siguro sila.
Hindi na makilala ang Pilipinas. Bukas ang pinto sa lahat ng gustong umangkin. Malaya nga bang maituturing, kung patuloy pa ring sinasakop ng mga dayuhan sa ibang paraan.
Maraming oras na mababagot ka sa pelikula. Ngunit sa kabila nito, makakaramdam ka rin ng lungkot dahil ang pagkakakilanlan natin bilang Pilipino ay nawawala na. Hindi na kayang mailarawan at sagipin kung ano man ang kahulugan ng Filipiñana.
𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈Ñ𝐀𝐍𝐀
Cast: Jorrybell Agoto, Carmen Castellanos, Teroy Guzman, Carlos Siguion-Reyna, Isabel Sicat, Nour Hooshmand
Adapted from a short film of the same name
Presented by: Film4, Pōtocol, Epicmedia, Ossian International, Easy Riders Films
Release Date: August 26, 2026 exclusively in SM cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments