top of page

FINDING YOU

Finding You (2019)

Directed by: Easy Ferrer


This movie revolves around Jerome Ponce who eagerly finds someone from his past.


Parati kang nakasunod sa kanya dito. Pero mahirap syang sundan. His character feels so distant from everything and everyone around him. Mahilig syang gumawa ng mga desisyon na tanging siya lang ang nakaka-intindi. Madamot syang mag-share ng nasa isip at nasa damdamin nya.


Isang araw, makikipag-flirt sya. The next day, makikipag-break sya. Walang pasintabi. He didn’t even let you feel his loneliness and his process.


His character is unrelatable.


Daming kaganapan. Pero yung mga eksena nila ay basta-basta nilang tinatapon. From flashbacks to lost memories. From throwback to current happenings. No problem with a non-linear flow of events. The problem is... How they tell and connect these events.


Isang araw, magagalit sya sa isang babae. The next day, sasabihin nyang mahal nya ito. Walang magandang foundation para sa ganung moment. Walang build-up ang pagmamahalan nila. Naka-focus lagi kung gaano ka-selfish si Jerome, tapos mahal daw nya?


His words are unbelievable.


Introduction pa lang, mahirap nang paniwalaan si Jerome. Simula dun sa pag-log-in nya sa isang app. That specific action, which sprouted out of nowhere, becomes the focal point of the movie. Pero walang basis at dahilan.


Pagdating sa conflict portion. Lalo kang bibitaw sa kanya, kasi padalos-dalos syang nakikipag-away at nanggugulo. Ang nakaka-disappoint duon ay hindi man lang nya na-realize na mali sya. Pagkatapos ay ipapasok ang plot twist that looks like a desperate attempt to justify his actions.


You thought this movie has no more disappointments to offer... But wait til you see the resolution. Na kusa na lang dumating sa bahay at buhay nya. All of a sudden, he is okay. Tipong naging convenient ang lahat kasi ending na.


His story is unbearable.


Mahirap kapitan ang buong palabas nato, because there’s nothing worth holding onto. All the elements keep falling into pieces and out of proportion. Hindi ka na nga maka-kapit. Lalo ka pang itutulak papalayo.


It’s a movie I find unrelatable, unbelievable and unbearable. A movie I wish I didn’t find.


FINDING YOU

Rating: -1/5


Cast: Jerome Ponce, Jane Oineza, Barbie Imperial, Kate Alejandrino, Claire Ruiz, Jon Lucas

Presented by: Regal Entertainment Inc.

Date Released: May 29, 2019 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page