top of page

FUCHSIA LIBRE

Fuchsia Libre (2024)

Directed by: RC delos Reyes


A gay wrestler yearns for his father’s acceptance.

Makuha niya kaya ito ng libre? O kailangan pa niyang magtago sa ibang kulay tulad ng fuchsia?


Merong tatay na pulis na itinakwil ang kanyang anak dahil bakla siya. Sobrang importanteng malaman kung paano nila nalagpasan ang pagsubok na yun pero walang ganun sa pelikula. The journey from rejection to acceptance is missing. It’s their main plot, but it wasn’t given importance.


Hindi nagkaroon ng magandang identity ang wrestler. Hindi nabigyang diin ang mga wrestling moves. Ang lungkot ng costume. Hindi ganado ang pagkakakwento.


Maraming wrestling scenes, pero kulang na kulang sa action. Hindi mo ramdam ang bigat ng bawat suntok na tumatama sa kalaban. Walang paghihirap na makikita. Matamlay ang mga laban. Hindi ka mapapasigaw para sa mga buhay nila. Hindi mo ito kakapitan.


Nagsasalita ang commentator ayon sa subtitle pero wala kang boses na maririnig. Minsan okay ang scoring pero minsan sobrang tahimik. Hindi ka kakabahan sa mga illegal transactions na nangyayari. Hindi makatotohanan ang mga fight scenes. Hindi nagkaroon ng highlight ang pelikula.


The performances of the leads are the best thing about this movie. Paolo Contis gave a warm believable portrayal. Gian Magdangal is a cute effective sidekick. John Arcilla is expectedly good. The rest of the cast are also good but underutilized—most especially Jon Santos and Khalil Ramos.


It’s not everyday that we see a gay wrestler being the main character of a Filipino movie. “Fuchsia Libre” has the chance to be a household name, an alter personality, and an inspiration to many… but this movie failed to utilize its truest potential.


It didn’t break free.

It didn’t pass with flying colors.


FUCHSIA LIBRE

Rating: 1/5


Cast: Paolo Contis, Khalil Ramos, Gian Magdangal, Jett Pangan, Randy Villarama, Milo Elmido Jr, Jon Santos, John Arcilla

Story by: Erwin Blanco

Screenplay by: Tonio Rodulfo

Presented by: MAVX Productions, Inc.

Release Date: May 15, 2024 in Philippine cinemas nationwide 

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  0.5

Emotions:  2

Screenplay:  1

Technical:  0.8

Message:  1


AVERAGE SCORE

Fuchsia Libre:  1.06

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page