GANGGANG
- 4 days ago
- 2 min read
Ganggang (Cinemalaya 2026)
Written & Directed by: JL Burgos

Hindi natural ang batuhan ng mga linya. Pang-theatrical minsan ang aktingan. Para silang nasa entablado. Parang may cue bago magsalita ang bawat isa. Minsan, mukhang reenactment ang dating ng mga eksena.
Stable ang shots, pero ang hirap makatutok. Andaming kaagaw ng mga karakter sa eksena. Hindi sila nakaka-enganyong sundan.
Hirap silang mag-focus sa mga bagay bagay. Madalas mawala ang direksyon. Hindi maka-focus sa mga bagay na dapat pag-usapan. Maayos sanang tingnan, ngunit blanko minsan ang laman.
Andaming magkakaibang sangay ng kwento mula sa iba’t ibang karakter. Hindi napagtatagpi nang maayos. May mga linya at leksyon na alanganin ang bitaw. Biglang sasabihin nang walang bwelo.
Ang mga kuha nila sa gagamba ay basta-basta ring sumusulpot sa mga eksena. Hindi swabe ang pagkakatahi sa istorya.
Kahit watak, sa mensahe sila bumabawi. Hindi pwedeng hindi ito marinig o mapansin — dahil pasigaw nila itong binabanggit. Kulang na lang ay tuklawin ka nito.
Sa kabila ng magkakaibang ingay na dulot ng magkakaibang istorya, nanatiling pinaka-maingay ang kanilang gustong sabihin.
Dahil may gustong ipaglaban ang pelikulang ito na makatarungan at makabuluhan, ika’y makikisama na rin.
𝐆𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐍𝐆
Cast: Raine Dela Cruz, Kenneth “Butchoy” Vincent Mendoza, Don Rishmond Cerbito, Prince España, Brian Arda, Don Melvin Boongaling, Katrish Aristoki, Elora Españo, Hershey Neri, Pau Benitez, Anton Nolasco, Francis Mata, Tabs Sumulong, Manuel Genabe, Pio Raphael Benedicto, Jers Guiwa, Rapahel Del Prado, Jhaniel Pellado, Rencel Bago, Gene Trillana, Dave Ignacio, Wesley “Budoy” San Sebastian, Marian Lavado, April Obnamia, Alicia Bea Obligado
Release Date: August 6-18, 2026 for Cinemalaya
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Dadalhin ka ng pelikulang ito sa iba’t ibang lugar na siyang susubok sa hangganan ng iyong damdamin.
Madalas ay nakalutang ka sa itaas ng alapaap. Minsan ay mauuntog ka sa ilalim ng lupa. Napakasakit mahulog. Ngunit gamitin ang mga kamay upang bumangon.
Gamitin ang mga kamay upang palakpakan ang magaling na pagganap ni KD Omalin. His naivety is naturally written all over his face, but so is his growing consciousness. Watching it unfold makes you even more invested in his character and aspirations.
There are moments when the direction seems to lose its way, but it eventually finds its path back to its goal. For making a home for dreams amid chaos and violence, this is a must-see film.
While watching 𝘏𝘢𝘯𝘥 𝘰𝘧 𝘎𝘰𝘥, your hands will find themselves doing many things—clapping in admiration, wiping away tears. But the most important moment is when they come together as praying hands, hoping that these kids get the future they truly deserve.
𝐇𝐀𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐆𝐎𝐃
Cast: Ruru Madrid, Iza Calzado, Ronnie Lazaro, Sue Ramirez, KD Omalin, Jhong Hilario, Cholo Barretto, Edwin Nombre, Rosh Barman, Tyke Sanchez
Release Date: August 6-18, 2026 for Cinemalaya
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments