top of page

GANTI-GANTI

Ganti-ganti (Vivamax 2023)

Directed by: McArthur Alejandre


Apat na karakter

ang nag-gagantihan.


Ang kulit lang panuorin dahil puro gantihan talaga sila kahit mema na lang na ganti. Walang katapusang pasabog. Kada bunyag ng plottwist, may kaakibat rin na sex scene.


Hindi creative ang pagkakakwento. Dinaan sa narration at flashback para sabihin lahat ng kanilang mga motibo. Ang mga karakter ay literal na nagkwekwento na parang nagbabasa sila ng libro. Ilang beses ding pinakita ang “Five Years Ago”.


Hindi nakakadala ang mga paghihiganti. Basta-basta na lang nagsusulputan ang mga karakter. Ang tanging pakay lang ata nila sa buhay ay ang maghiganti.


Paano ba makakaganti kapag

ganito parati ang mga pelikula

sa Vivamax?


Masama mag ganti-ganti.

Kaya nuod-nuod na lang.


GANTI-GANTI

Rating: 0/5


Cast: Angeli Khang, Yen Durano, Sean de Guzman, Mark Anthony Fernandez, Chad Solano

Presented by: Viva Films

Date Released: December 1, 2023 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page