top of page

GRADUATION DAY

  • 1 day ago
  • 2 min read

Graduation Day (2026)

Written & Directed by: Dante Balboa


Nagsimula ang pelikula sa napaka-habang Graduation Speech. Ang audience members ay hindi interesado sa pinagsasabi ng kanilang Magna Cum Laude. Magna-nine minutes na ata… hindi pa rin siya tapos magsalita. Echos lang. Basta mahaba.


Pagkatapos nun, bumalik sila sa nakaraan upang i-kwento ang kanyang buhay. Naging 𝘔𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘮𝘢𝘯 na walang commercial break ang pelikula. Compilation ng mga melodramatic scenes. Zoom at Slow Motion ang paborito nilang effect.


Walang build up sa mga nangyayari. Puro fade-to-black ang transition. Tumatawa sila, tapos ang susunod na ipapakita ay death scene. Dumating sa punto na para na rin siyang 𝘍𝘪𝘯𝘢𝘭 𝘋𝘦𝘴𝘵𝘪𝘯𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯, dahil nag-aabang ka na lang kung sino ang next na mamamatay.


Imbes na maawa ka dun sa namatay, mas mag-aalala ka dun sa pancit at caramel cake na hawak niya dahil madudumihan ito.

Hindi nauubusan ng monologue si Jeric Gonzales. Hahanap siya ng paraan upang siya ay makapagsalita nang mahaba. Hanggang sa dulo, may surprise appearance pa rin siya sa sarili niyang pelikula. Hanggang sa end credits, siya pa rin ang kumakanta ng OST.


Dahil sobrang bait niya rito, malapit na siyang maging Santo. Dahil wala siyang kapintasan, mukha nang political advertisement ang pelikula.


Pumunta siya sa Job Interview, pero walang interview na naganap, tapos hired na siya kaagad. Sana all.


Walang ginawa si Elizabeth Oropesa kundi ang manahi at mag-alala. Ramdam na ramdam ang huling hininga ni Rico Barrera sa kanyang eksena. Sobrang kapani-paniwala talaga na lahat ng mga estudyante ay mahilig mag-aral. Lunchbreak na, pero Philosophy pa rin ang kanilang snack. Halatang scripted ang mga lecture at recitation.


Lakas makaloko ng script. Ang tanong ay “anong nangyari sa kanya”. Ang sagot ay “may nangyari po sa kanya”. Hirap na hirap sila sa continuity. Nagsimula ang teacher sa paksang Symbiosis. Andami nang nangyari sa labas, tapos sa loob ng classroom ay yun pa rin ang tinuturo.


Kahit drama ang pelikula, nakakatawa siyang panoorin. Kung anu-anong trahedya na lang ang nangyayari, ngunit hindi nagawan ng magandang conclusion sa huli. Thesis not defended.


Yung akala mo graduate na tayo sa ganito, pero hindi pa pala. Paulit-ulit pa ring nakakapasok sa sinehan ang mga bagsak pagdating sa quality. Repeater lang ang peg.


𝐆𝐑𝐀𝐃𝐔𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐃𝐀𝐘

Cast: Jeric Gonzales, Elizabeth Oropesa, Aidan Veneracion, Simon Ibarra, Angelie Sanoy, Rico Barrera

Presented by: BenTria Production

Release Date: March 25, 2026 in Philippine cinemas nationwide  

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page