top of page

GUERRERO TRES

Guerrero Tres (2023)

Directed by Carlo Ortega Cuevas


“Guerrero” ang apelyido ng mga bida sa kwento. Ang ibig sabihin nito sa Espanyol ay “warrior”. Tulad ng isang mandirigma, ang pelikulang ito ay hindi sumuko sa paghatid ng magagandang mensahe sa kapwa.


Tatlong yugto ang kanilang kwento. Nagsimula sa 𝘎𝘶𝘦𝘳𝘳𝘦𝘳𝘰 (2017) kung saan ipinakita ang samahan ng dalawang magkapatid. Nagpatuloy ang laban sa 𝘎𝘶𝘦𝘳𝘳𝘦𝘳𝘰 𝘋𝘰𝘴 (2019) kung saan sila’y nagkahiwalay. Kailangang panuorin ang unang dalawang pelikula sa YouTube dahil magkakasunod ang kanilang mga kaganapan.


Dito sa 𝘎𝘶𝘦𝘳𝘳𝘦𝘳𝘰 𝘛𝘳𝘦𝘴 (2023), magtatagpong muli ang dalawang magkapatid na ilang taon nang hindi nagkikita.


Pinapahaba ang kanilang kwento kahit matagal na sana silang pwedeng magkita. Hindi malinis ang agos nito. Hindi maganda ang pagkakalagay ng Japan sa kwento. Maraming plotholes na pinapalagpas na lang. Maraming kaganapan na sa isang iglap ay biglang nangyayari kahit hindi dapat. Ang mga importanteng detalye ay hindi nila binibigyan ng pansin.


Ang pagbabalik-samahan ng dalawang magkapatid ay hindi nasulit. Sa ilang taong paghihintay para sa reunion movie na ito, kulang pa sila ng mga eksena. Gayunpaman, malakas pa rin ang kapit mo sa magkapatid dahil sa mga nauna nilang pelikula.


The chemistry of the main characters didn’t fluctuate since 2017. The younger brother still has that charm and maturity. The older brother still has that innocence and perseverance. When the two finally see each other, time stopped moving. It’s a magical moment.


Madalas nilang sabihin na huwag idaan sa emosyon ang mga bagay-bagay, ngunit ang pelikulang ito ay nakabase sa emosyon. Bubugbugin ang iyong damdamin hanggang sa maghina ka. Lalabas ang iyong mga luha.


The scoring is effective. The songs are fitting. All the actors were given their moment to shine. The ensemble is fun to watch. The lines are cheesy and preachy. But because the characters are pure and confident in delivering these lines, every word they say becomes motivational and inspirational.


The Guerrero Trilogy is an effective beacon of never-ending hope and courage. The main characters truly represent their name of being a warrior. 𝘎𝘶𝘦𝘳𝘳𝘦𝘳𝘰 makes the impossible reachable.


Sa laban ng kabutihan at kagitingan,

panalo ang pelikulang ito.

Lumalaban hanggang dulo.


GUERRERO TRES

⭐️⭐️⭐️


Watch Guerrero’s Part 1 and 2

Legally Streaming on YouTube:


Cast: Genesis Gomez, Julio Caezar JC Hisoler Sabenorio, Jazmin Nichole Solis, Jusselross Domingono, Mia Suarez, Earll Miguel Canja, Jana Talaña

Presented by: EVMedia

Date Released: September 8, 2023 at the EVM Convention Center; Limited Screenings in SM Cinemas

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling: 2

Emotions: 4

Screenplay: 1.5

Technical: 3

Message: 4


AVERAGE SCORE

Guerrero Tres: 2.9

8 comments

8 Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Guest
Oct 31
Rated 5 out of 5 stars.

I don't know why this movie was underrated. This movie was fantastic and very inspirational

Like

Guest
Jan 24
Rated 5 out of 5 stars.

Inspirational movie and can motivate others. Thumbs up. Highly recommended!

Like

Guest
Jan 24
Rated 5 out of 5 stars.

iiiiII

Like

Guest
Jan 19
Rated 5 out of 5 stars.

Very inspiring and motivational.

Like

Guest
Jan 15
Rated 5 out of 5 stars.

Magandaa, madami kang mapupulot na aral! The best!

Like
bottom of page