top of page

HALIPAROT

Haliparot (Vivamax 2023)

Directed by: Bobby Bonifacio Jr.


Tinuhog ni Tito Jeric

ang mag-inang sina Abigail at Libay.


May angking haliparot ka rin ba

tulad ni Tito Jeric?


Walang kwento sina Jeric at Libay. Basta isang araw ay naging sila na lang. Walang tensyon kina Jeric at Abigail. Basta isang hapon ay nagkandungan na lang sila. Isa o dalawang maikling usapan lang, tapos mahabang sex scene na ang katumbas. Walang nabubuong koneksyon sa mga karakter.


Pilit na binabanggit ang salitang “Diyos” kung saan saan. May eksenang nagdadasal habang nakikipaglampungan. Hindi naman ipinakita ang pagiging banal ng mga karakter tapos biglang ipapasok ang ganung mga eksena at mga salita kalagitnaan. Hindi nakakilabot dahil halatang ginawa lang para pag-usapan.

Maayos ang naging pagganap ni Aiko Garcia. Nagamit niya ang kanyang mga mata sa kapusukan at kanyang boses sa harutan. Okay umarte si Aerol Carmelo. Natural ang pagiging malandi ni Erika Balagtas.

Masyadong pigil ang pag-arte ni Maui Taylor. Parang robot si Matthew Francisco. Hindi mo alam kung ganun ba talaga siya umarte o kung sinasadya ba niya dahil wala rin namang puso ang kanyang karakter.


May mabibigat na desisyon na bigla na lang ginawa at hindi na pinag-isipan pa. May mga karakter na hindi mo alam kung paano talaga sila nabubuhay. May tao na biglang sumulpot para lang magbunyag ng sikreto dahil malapit nang matapos ang pelikula.


Kulang pa sa pagbahagi ng kwento ang pelikulang ito.


Pero kung HALIPAROT 101 ang kanilang pakay,

sila ay nagtagumpay.

HALIPAROT

⭐️


Cast: Aiko Garcia, Maui Taylor, Matthew Francisco, Aerol Carmelo, Erika Balagtas

Presented by: Viva Films

Date Released: October 20, 2023 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page